Matagal na tayong hindi naguusap
dahil sa mga panahon na tayo'y naghiwalay sa isa't isa.
Nakikita kita na may mga bagong kaibigan ka na,
Huwag mo sanang iwanan ang mga bago mong kabarkada.
Kung ikaw ay may mga bagong kaibigan pwes.
Akala mo ikaw lang?
Ngayon may mga kaibigan na akong maasahan
Na hindi ako iiwanan.
Kaming magkakaibigan ngayon ay nakaranas ng kaplastikan mo.
Sa paggagamit saamin, sa pagloloko saamin, at sa pagtratraydor mo saamin.
Ginawa namin ang lahat para sayo
Tapos yan ang ibabayad mo? Ang pagtratraydor mo?
Dahil sa pagtraydor mo wala ka nang natirang kakampi.
Nalaman na din ng iba ang tunay mong ugali.
Siguro karma ito para sa mga ginawa mong pananakit
para maranasan mo ang maiwanan at mapalit.
Hindi ka naman ganyan dati?
Ano na nangyari sa iyong ugali?
Ang mga nagbago sayo ay napakarami
pero ang mga pagbabago na iyon ay nagmumukha kang pangit.
Feeling mo din kasi ay ang ganda ganda mo,
pero dahil sa kaplastikan mo ay iba ang lumalabas sa itsura mo.
Kung sa tingin mo ay dyosa ka na bakit hindi mo tanungin ang mga crush mo?
Na hanggang ngayon walang paring nagkakagusto sa taong katulad mo.
Ginawa mo yan sa sarili mo eh kaya huwag kang padrama drama
dahil kabayaran ito sa lahat na iyong ginawa.
Sana may natutunan ka na ngayon at magbago ka na hangga't may panahon pa
baka sa huli ikaw nalang ang matirang nagiisa.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetrys & Words
PoetryTagalog poetrys/words for people who experienced being heartbroken, hurt, sad, and for people who loved others. This poetrys are made by myself. Hope you enjoy this book!!! Thank you for reading!!! <3 #78 ~ Poetry 3/15/2018 #21 ~ Poetry 7/06/2018 #0...
