Pagnakikita kita, ang araw ko ay buo na.
Masaya sa pakiramdam pag ikaw ay aking namamasdan.
Ikaw ang nagiging sanhi ng aking ngiti at bunga ng puso kong nadarama.
Ngunit itong aking mga nararamdaman ay lumipas na,
at ang tawag ko dito ngayon ay dating paghanga.
Nung mga panahon na gusto pa kita, ang puso ko ay parating tumatalon pagnakikita ka.
Mga mata ko ay nagniningning kapag ako ay nakatingin.
Nakukuha mo ang aking ngiti kapag ikaw ay namamansin.
Ngunit ang aking mga nararamdaman ay lumipas na,
at ito lamang ay dating paghanga.
Ngayon na nakalimutan na kita,
ay bigla bigla kang nagpapakita.
Hanggang ngayon inaasar padin ako, na akala ng iba ay nagkakagusto padin ako sayo.
Pero ang aking puso ay may iba ng hinahanga,
iba na ang hinahabol at idinadama.
Ngayon iba na aking nadadarama,
ito na ang aking bagong paghanga.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetrys & Words
PoetryTagalog poetrys/words for people who experienced being heartbroken, hurt, sad, and for people who loved others. This poetrys are made by myself. Hope you enjoy this book!!! Thank you for reading!!! <3 #78 ~ Poetry 3/15/2018 #21 ~ Poetry 7/06/2018 #0...
