Naranasan mo na ba? Naranasan mo na bang pilitin yung sarili mo na mag move-on? Yung tipong araw-araw kang umiiyak mag-isa sa kwarto tapos paglabas mo kailangan hindi halata na umiyak ka kasi ayaw mo ng kinakaawaan. Yung ngingiti ka sa harap ng ibang tao kahit sa loob-loob mo eh sobra ka ng nasasaktan. Yung tipong pag may nakita kang status niya na may kalandian siya ay palihim kang nasasaktan. Yung pag nakikita mo siya sa personal kailangan magpanggap ka na masaya ka ng wala siya pero deep inside gustong gusto mo siyang makasama. Tapos pag nakakarinig ka ng kanta na pinapatugtog niyo pag magkasama/favorite niya/kinakanta niya sayo ay bigla ka na lang iiyak at pipikit kasi sobrang sakit. Yung pag mag gagala ka tapos makikita mo yung place na pinuntahan niyo noong kayo pa ay bigla ka na lamang maluluha ng nakangiti kasi naaalala mo yung mga happy memories niyong dalawa. Yung tipong pag may nakikita kang may iba na siya ay pinapanalangin mo na "Sana ako yun." Ang hirap no? Ang hirap pilitin yung sarili mo na mag move-on kahit deep inside umaasa ka pa din na maibabalik niyo yung dati. Yung dati na puro pagmamahal lang, yung dati na puro saya lang, yung dating araw-araw kayong magkasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/131154273-288-k493058.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetrys & Words
PoesíaTagalog poetrys/words for people who experienced being heartbroken, hurt, sad, and for people who loved others. This poetrys are made by myself. Hope you enjoy this book!!! Thank you for reading!!! <3 #78 ~ Poetry 3/15/2018 #21 ~ Poetry 7/06/2018 #0...