Yung Taong Pinagkatiwalaan Mo

147 2 0
                                    

Meron ka bang taong na pinagkatiwalaan mo ng lubusan?
Yung alam niya mga sikreto mo at mga kahinaan mo?
Yung tinatawag mong kaibigan pero sa huli ay mangiiwan...
Ako meron akong ganun...
Simula nung una kaming nagkakilala ay hindi na kami nagtaka.
Naging magkaibigan na agad kami at nagturingngan pa na kami ay magkapatid.
Nagbigay kami ng tawagan sa isa't isa na parang matagal na kaming magkakilala
Pero sa huli...
Iba na ang kasama niya.
Iniwan niya kaming mga una niyang kaibigan, na sa simula palang hindi namin siya iniwanan.
Pero siya...
Siya yung nangiwan.
Mahirap talagang magtiwala ngayon sa iba, kasi sa huli sarili mo lang din ang matitira.
Mahirap siyang tingnan na may kasama na siyang iba, na parang ang bilis naming palitan.
Masakit na iniwanan mo kami dahil kahit saglit na panahon lang tayo nagkasama ay naging parte ka na ng buhay namin.
Kahit hindi ka nagpaalam saamin ay kami nalang ang magsasabi sayo...
Paalam na kaibigan ko at sana maging masaya ka na sa mga bagong kaibigan mo...

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon