Ikaw Na

941 8 0
                                    

Nung una tayong nagusapan, ang usapan na yun ay parang walang katapusan.
Nag usap tayo at nagsabihan ng sikreto, pero ikaw lang ang nasabihan ko ng mga sikreto ko.
Kinilig nga ako nung sinabi mo na "Ako lang ang matinong babae na nakausap mo at nasabihan ng mga sikreto".
Nung sinabi mo iyon ay nagpatibok ito ng puso ko pero may naalala ako... na iba pala ang gusto ko.
Oo nga kinwento ko sayo na dati kitang nagustahan, pero yung dati na yun parang nagbabalikan.
Pero nung nalaman ko na may girlfriend ang lalaking nagustuhan ko na kaibigan mo, ay nasaktan ako.
Yung kaibigan mo ay pinaglaruan lang ang nararamdaman ko at akala pa natin na may gusto pa siya saakin, pero pinaglaruan lang ako.
Kinuwento ko sayo ang nangyari at sinabi ko sayo na... "Ikaw na ang gusto ko" at sabi mo saakin na hindi ka magiging katulad ng kaibigan mo at hindi mo paglalaruan ang feelings ko.
Natuwa ako at naisip ko... Ikaw na ata ang hinahanap ko.
Saglit na panahon ay naging tayo pero palihim dahil may isang problema sa aking paningin.
Bawal pa ako magka boyfriend pero kahit ano ay lalaban ako dahil ito ang decision ko.
Sana tama ang decision ko pero meron talaga akong tiwala sayo na hindi mo ako sasaktan, hindi mo ako paglalaruan at hindi mo ako hahayaan.
Pero may mga ibang nagsasabi na walang forever pero para saakin may forever kapag nahanap mo na ang magmamahal sayo, at ngayon ay meron na ako.
Kahit walang tiwala ang mga kaibigan ko sayo ay ipapakita ko sakanila na pwede kang pagkatiwalaan.
Ayaw lang naman nila na masaktan ako pero decision ko ito kaya rerespetuhin nalang nila ang pinili ko.
Masaya ako kapag kasama kita kaya ayaw kitang mawala.
Mahal kita at sana hindi mo nga ako sasaktan.

Tagalog Spoken Poetrys & WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon