JAX Do 1: My hair is entangled with Captain Hook.
Napalingon ako bigla ng may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. I looked around and searched for that person, marami kasing tao sa hallway kaya nahihirapan akong Makita kung sino ito, and finally nakita ko na ito na tumatakbo papalapit sa akin.
“Kailangan pa bang isigaw ang pangalan ko? Makikilala na ako niyan ng buong student body.” Sabi ko.
Hindi naman agad ito nakasagot dahil hinahabol pa nito ang paghinga gawa ng kanyang pagtakbo kanina. Pinupunasan din nito ang pawis na tumutulo sa mukha nito. Pagkatapos ng ilang sandal ay nahimasmasan na ito at nakapagsalita na.
“Iniwanan mo kasi ako sa classroom, at sige nga kung binulong ko lang yung pagtawag ko sayo makukuha ko ba yung atensyon mo?” ngumuso pa ito pagkatapos magsalita.
“Sige ngumuso ka pa Ryn, malapit ng humaba yan.” Narinig naman niyang bumulong ito ng ‘meanie’ pero tinawanan niya lang ito. Ang sarap talaga asarin nitong best friend ko. “Tsaka ang tagal mo kya at gutom na ako, nagwawala na ang mga ahas sa tiyan ko.”
“Ang takaw mo talaga best, tara na nga.” Kumapit ito sa braso niya at nagsimula na silang maglakad.
Nakarating naman sila agad sa cafeteria ng St. Caroline Academy o ISKA, ang kanilang eskwelahan. Maraming tao doon dahil nag-sabay sabay ang lahat ng level ng high school. Nakipagsiksikan naman sila para lang makabili agad ng pagkain.
Pagkatapos makabili ay inikot nila ang cafeteria para makahanap ng mauupuan, ngunit mukhang malas sila dahil lahat ng mesa ay okupado na.
Napatili naman sila ng may biglang nag-‘boo’ sa gilid nila. Mabuti at hindi sumambulat ang dala nilang pagkain sa sahig sa sobrang gulat. Lumingon naman sila sa nanggulat sa kanila.
“Hi Jax, hi Ryn. Peace.” sabi nito at naka-peace sign pa habang natatawa.
“Hay naku Gabz kung may sakit lang kami sa puso nitong si Ryn baka inatake na kami sa sobrang gulat.”
“Pagpasensiyahan niyo na yang si Gabrielle, alam niyo naming malakas ang trip niyan.” Sabi naman ng katabi nitong chinita. “Tara ditto na kayo umupo, mahihirapan lang kayong maghanap ng mesa.”
“Ano bay yan Rachelle, don’t call me Gabrielle. Gabz lang, Gabz, okay?” Kung titignan mo silang dalawa ay aakalain mong hindi magkakasundo itong si Gabz at Rachelle, isang makulit at napakahyper habang ang isa naman ay tahimik at mukhang seryoso, pero wag ka magbest friend yan.
Umupo na sila ni Ryn at nagsimulang kumain. Hindi naman nawala ang kwentuhan sa pagitan nilang magkakaibigan. Nakadadagdag pa sila sa noise pollution sa loob ng cafeteria.
Pagkatapos kumain ay naglakad na sila pabalik sa classroom dahil malapit ng mag-time at ayaw nilang malate sa susunod na subject kahit na hindi pa naman regular class dahil first day pa lang. Mag-kakaklase naman sila kaya sabay sabay na silang maglakad.
“Girls, tara sa mall mamaya.” Biglang sabi ni Rachelle.
“Oo nga, tapos magshoppinh na din tayo. Tinaasan kasi ni Mommy ang allowance ko kasi senior na daw ako, kaya maraming extra cash.” Sang-ayon naman si Gabz.
“Sige, ayos lang, basta ba sagot mo Gabz ang pagkain natin mamaya. Alam mo naming nagtitipid ako.” Sagot ni Ryn.
“Teka, bakit ako ang manglilibre ng pagkain? Tsaka anong tipid tipid ang sinasabi mo Ryn? Ano ka intsik? Kung si Rach ang magsasabi niyan maniniwala pa ako, may lahing instik yan eh. Pero ikaw, naku ang sabihin mo kuripot ka lang.”