Dating Tayo
Ang sarap pa lang balikan 'yung mga alaalang tayo pa
Mga alaalang magkasama tayo
Ang sarap balikan pero ang hirap ibalik
Balikan ang mga nakaraang masayang magkasama
Pero sadyang ang hirap nang ibalik dahil alam kong hindi na pwede
Hindi na pwede pang maibalik sa dati
Dahil ang dati,ay nakaraan na lang
Dahil ako para sa'yo ay nakaraan na lang
Na ang dating tayo ay nakaraan na lang na alam kong mahirap nang maibalik dahil may iba kana
Pero Mahal. . .
Lagi mong tatandaan,na 'pag kailangan mo nang kayakap at balikat na masasandalan. .
Andito lang ako. .
Nag-aantay sa'yo. .
Pero alam kong malabo
Malabong mangyari 'yon
Malabong lumapit ka sa'kin at hilinging ibalik natin ang dating tayo
Malabo mahal pero ito ako't umaasa na mangyari 'yon
Sana. . .
Sana maibalik ang mga alaalang 'yon
At sana. .
Sana maibalik na rin ang dating tayo. .
