Patawad
Napapapikit na lang ako sa tuwing binabanggit mo ang salitang 'sorry'
Nasasaktan ako sa tuwing binabanggit mo ang salitang 'bumalik kana sa'kin'
Pero mas nasasaktan ako sa tuwing binabanggit mo ang salitang 'mahal parin kita'
Masakit..
Mahal mo pa rin ako?
Nakakatawa
Ang tanong..
Minahal mo nga ba talaga ako?
Kasi ako?
Oo...
Minahal kita nang sobra
Minahal kita nang sobra na halos wala na akong maitira sa sarili ko
Pero patawad..
Patawad dahil hindi na ako makakabalik pa sa piling mo
Patawad dahil hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo bumalik pa ako sayo
Patawad dahil hindi ko na kaya
Patawad dahil hindi ko na alam
Patawad dahil..
Patawad dahil hindi na kita mahal
Patawad..
Patawad dahil hindi na natin pwedeng ibalik pa ang dating pinagsamahan natin
Patawad..
Kasi..
Sa tuwing malapit ka sakin
Sa tuwing nakikita kita...
Mas nasasaktan ako
Naaalala ko yung mga panahong tayo pa
Naaalala ko yung mga panahon kung paano mo ko nasaktan
Naaalala ko yung mga panahong..
Mahal pa kita at mahal mo rin ako
Pero patawad..
Patawad dahil mga alaala na lang yon sa nakaraan na hindi na pwedeng pang ibalik sa dati
Patawad..
