Mahal kita
Mahal,naaalala mo pa ba
Nung mga panahong tayo pa
Lagi mo 'kong kasama
Araw at gabi
San man ako magpunta
Isang tawag ko lang sa'yo,Mahal
Andiyan kana
Ngunit pag gising ko isang araw
Tumawag ka sa'kin sabay sabing
Mahal,magkita tayo
Mahal,alam mo bang ang saya ko 'nong araw na 'yon
Na akala ko magde-date tayo
Pero sabi nga nila diba?
Mga babae,tamang hinala
Dumating agad ako sa sinabi mong lugar
At para akong pinagsakluban nang langit at lupa dahil hindi maipinta ang mukha ko
Nakaramdam ako nang saya at kirot
Saya dahil. . .
Dahil nakita ko ang taong mahal ko na nakangiti
Kirot dahil hindi ako ang dahilan 'nang mga matatamis na ngiting 'yon
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa araw na 'yon
Gusto kong tumakbo
Pero di ko magawa
Para na akong tangang naka-titig sa inyong dalawang masaya
Habang ako. . .
Nakatayo, umiiyak at nasasaktan
Yung puso ko. . .
Yung puso ko na wasak na wasak na dahil sa nakikita ko ngayon
Mahal,tanggap kong mas masaya ka sa iba kesa sa piling ko
Pero diba sana. . .
Sana sinabi mo nang maaga
Maaga para hindi na ako nag-aksaya nang mga panahong gusto mo na palang kumawala sa mga bisig ko
Papalayain naman kita
Papalayain naman kita kahit masakit sa parte ko na pakawalan ka
Minahal kita habang may minamahal kang iba
Minahal kita habang may kasama kang iba
Minahal kita kahit sobrang wasak na ako
Minahal kita kasi. . .
Masaya ako sa'yo
Kaya,Mahal. . .
Kahit hindi man ako ang taong nandiyan sa puso mo
Kahit hindi man ako ang taong prayoridad mo
Kahit hindi man ako ang taong dapat mong alagaan
Kahit alam kong gusto mo nang bumitaw
Pero takot ka na masaktan ako
Pero mahal,nang dahil diyan sa ginagawa mo
Mas lalo mo lang akong sinasaktan
Mas lalo mo lang winawasak ang puso kong dati nang wasak
Wasak sa panloloko mo
Wasak sa mga kasinungalingan mo
Pero alam mo mahal?
Kahit gustong gusto ko na magalit sa'yo
Hindi ko magawa
Kasi mahal kita
Mahal na mahal
Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo hindi ko magawang magtanim nang kahit na anong katiting na galit mula sa'yo
Kaya mahal
Lagi mong tatandaan
Kahit gaano kasakit itong ginawa mo sa'kin
Gagawin ko lahat para makalimutan kita
Pero hinding hindi ka mawawalan nang espasyo sa puso ko
Kaya mahal. . .
Mahal na mahal kita