Oh ano? Masaya kana? Kasi wala na kayo? Malaya kana dude. Di ba yun naman ang gusto mo? Ang maghiwalay kayo? Ayaw mong masakal sa isang relasyon diba? Tapos ngayon iiyak-iyak ka at gusto mong makipag balikan sa kanya? Gusto mong maibalik ang relasyon niyong dati nang nasira dahil sa katangahan mo? Oh? Ansabe niya sayo? Ayaw niya na? Kasi ayaw niya na daw sayo? Kasi ginagawa mo lang siyang tanga? Ganyan naman kayong mga lalaki diba? Ang bilis mag sawa. Pero mga bro hindi ko nilalahat ah? Pero kasi karamihan sa inyo e hindi matino. Rare na lang ang mga lalaking matitino at nakukuntento sa isa. Loyal for short. Ang dami ko nang na-encounter na ganun. Mga lalaking hindi nakukuntento sa isa? Yun bang habang may nililigawan e may gf na? Ganun? Haaaays! Mga lalaki nga naman! Guys,uso kasi maging loyal. Hindi naman kasi ata kayo bakla diba? Pagkatapos paglaruan e iiwan na lang pag nagsawa na. Ganun kayo diba? Pag sawa na kayo hahanap na agad nang iba. Pag nakakita lang nang mas angat e susunggaban na agad. Liligawan na agad. Yun yon e. Realtalk tayo ha? Madaling mahulog ang isang babae pero matagal ito mag move on. Totoo yan. Ang mga babae talaga mahilig mag panggap. Mahilig magpanggap na masaya..na hindi masakit. Pero ang totoo,sobrang durog na sila. Yun bang ang hirap nangoagbubuoin?Ganun. Pero pag mahal talaga nang isang babae ang lalaki? Isang sorry lang okay na. Isang sorry lang pinapatawad na agad. Tapos kayo namang mga lalaki ang saya-saya na. Kasi ang bait-bait nang gf niyo? Ganun yon. Pahalagahan niyo naman kaming mga babae,kasi pagod na pagod na kaming magpakatanga sa inyong mga lalaki. Mahalin niyo rin kami nang tapat at totoo gaya nang pagmamahal na ibinibigay namin sa inyo. Hindi yung PEKE. Kasi masakit din sa part namin yun. Yung feeling na pinukpok nang napakalakas ang puso namin gamit ang martilyo? Tapos nagka-wasak wasak sa maliliit na piraso? Ganun yung feeling namin pag iniwan,niloko o pinaiyak niyo kami. Pero pag sainyo wala lang. okay lang. baka nga tuwang-tuwa pa kayo pag nakikita kaming umiiyak e.
Haaaayyysss!
Mga bro,matutong magmahal nang totoo. Matutong makuntento sa isa. Makumtento kayo kung ano o sino ang nasa sainyo ngayon. Wag yung hahanap pa kayo nang iba para lang mabuo yang tuwa sa buhay niyo. Matuto ring mangamusta sa nararamdaman nang mga babae. Pakiramdaman niyo yung nararamdaman nila. Wag yung wala kayong pakealam.
Aba! Jusme,niligawan niyo tapos kayo na then wala ka nang pake? Ano yun? Nanligaw-sinagot-nawalan nang pake? Ay? Muntanga? Hays!
Yun lang..basta mahalin niyo mga gf niyo. Makuntento kayo sakanila. Sa mga walang gf at may mga nagkakagusto sa kanila,wag kayong snob sa mga babaeng nag chachat s inyo. Ikinagwapo niyo yang pang i-snob niyo ha? Aba! Ang sarap niyong ingudngod sa pader e no? Hays nako!
