Ayoko na

1.2K 18 0
                                        

Ayoko na

Pangalawang pagkakataon..
Ito ang ibinigay ko sayo
Binigay ko sayo na sinayang mo
Nagmakaawa..
Umiyak..
Lumuhod...
Mga ginawa mo para mabigyan kita nang pangalawang pagkakataon
Pero ako tong si mabait...
Binigyan ka ng pangalawang pagkakataon..
Dahil mahal kita..
Dahil mahal pa rin kita
Kahit sinaktan mo ako non
Andun pa rin yung nararamdaman ko
Itinapon ko na ang mga alaalang binuo nating dalawa
Pero ang pagmamahal ko sayo...
Hindi ko nagawang itapon
Dahil sa rasong ikaw pa rin ang tinitibok nito
Ikaw pa rin ang sinisigaw nito
Ikaw pa rin ang laman nito
At ikaw pa rin ang mahal nito
Umasa ako
Umasa ako na mag babago ka na dahil sa pagbibigay ko sayo nang pangalawang pagkakataon
Pero umasa lang ako
Umasa lang pala ako
Umasa lang pala ako sa wala
Hindi ka nag bago
Walang nagbago
Nasayang ang pangalawang pagkakataon
At sa pangalawang pagkakataon..
Nawasak muli ang puso kong nagmamahal lang naman sayo
Nawasak muli ang puso ko sa mga maliliit na piraso
Masakit..
Masakit na malaman mong umasa ka lang pala sa wala
Masakit na malaman mong hindi lang pala ikaw ang mahal niya
Masakit na malaman mong hindi ka lang niya pala talaga minahal
Masakit na malaman mong....
Ikaw lang ang nag mahal sa inyong dalawa at ikaw lang rin ang nasaktan
Pumikit ako..
At sinabi sa sariling baka sakaling panaginip lang ito
Baka sakaling pag-mulat ko nang mata ko..
Mahal mo na rin ako
Pero wala..
Walang nagbago
Ganun pa rin
Ganun ka pa rin
Nag-uunahang bumagsak ang luha kong kanina pa nag babadyang tumulo
Kinaya ko..
Kinaya ko lahat nang sakit nung una
Pero bakit ngayon?
Ang bigat sa dibdib
Masakit
Sobra
Gusto kong sabihin sa sarili ko na kaibigan mo lang yun..
Pero hindi..
Hindi ko na kaya..
Ayoko na..
Ayoko nang magpakatanga sa taong alam kong hindi naman talaga para sakin
Ayoko nang masaktan pa kasi nakakapagod na
Paulit-ulit na lang
Ayoko na..
Ayoko nang umiyak sa taong alam kong hindi mapupunasan 'to
Ayoko na
Sobrang sakit na
Oo mahal pa rin kita kahit sinasaktan mo na ako
Mahal kita pero ayoko na
Ayoko na..
Pagod na ako kaya ayoko na
Di ko na kaya kaya ayoko na
Kaya paalam sayo mahal kasi ayoko na
Magpakasaya ka sa buhay mo kasi ayoko na
Ayoko na kasi masakit na..

Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon