Friendzone

1.3K 18 3
                                        

Friendzone

Ako yung babaeng laging nagi-isa
Babaeng di napapansin
Pero dumating ka..
Dumating ka sa buhay ko
Naging makulay ang pangit kong mundo
Naging maliwanag ang madilim kong buhay
Naging masaya ang malungkot kong puso
Ikaw..
Ikaw ang nagpabago sa dati kong anyo
Ikaw ang dahilan kung bakit ako may rasong pumasok araw araw
Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti
Ikaw ang dahilan...
Ikaw..
Dumating tong araw na,na-amin ko sa sarili 'kong MAHAL KITA
Nahulog ako sayo dahil sa mga ipinapakita't ipinaparamdam mo sa'kin
Nahulog ako sayo kasi nahanap ko ang katangiang hinahanap ko sa mga lalaki
Eto na..
Umamin ako sayo..
Kinakabahan ako pero may tuwang namumuo rin sa'aking looban
Iniisip ko na "gusto niya rin ako"
Hindi ako naging nega
Naglakad ako papunta sayo
Ngiting-ngiti na lumapit sayo
Napatingala ka sa'kin at ngumiti
"Oh? Anong ginagawa mo dito?"tanong mo. Tumabi ako sa'yo at huminga nang malalim.
"Mahal kita. Nahulog na ako sayo,makakaya mo ba akong saluhin?"ayun! Nasabi na din
Napatulala ka saglit saka iniling nang marahan ang iyong ulo
"H-ha?"utal mong sambit
Inulit ko ulit ang aking sinambit at nabigla ka
"Masasalo mo ba ang aking pagmamahal sa'yo?"tanong ko
Napayuko ka't napahawak sa'yong sentido
"Sorry.."
Limang letra...
Isang ibig-sabihin..
Unti-unting nawawala ang ngiting nakabakas sa aking mga labi
Alam ko na...
"Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo. Patawad"sambit mo saka tumayo at naglakad palayo
Masakit..
Masakit kasi hindi ka mahal nan taong mahal mo
Masakit kasi hindi ka niya kayang mahalin pabalik
Masakit kasi KAIBIGAN LANG TALAGA ang turing sa'yo
SOBRANG SAKIT
Yung puso ko..
Halos nawasak na ito sa maliliit na piraso
Maliliit na pirasong hinding-hindi na maipagdidikit pa sa dati
Maliliit na pirasong mahirap nang ibalik sa dati
Iyak..
Yan na lang ang aking nagawa sa mga oras na 'yon
"Sana..sana hindi na lang ako umamin. Sana itinago ko na lang 'yon. Sana..."sambit ko habang humahagulgol sa iyak
Magiging okay din ako
Pero hindi ngayon
Hindi bukas
Hindi sa mga susunod na araw
Hihintayin kong ang puso ko ang magdesisyon
Mararamdaman ko rin to
Mawawala rin to
Mawawala rin ang lahat
Mawawala ka rin sa isip..
At puso ko.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon