Malaya Ka Na

1.5K 22 0
                                        

Malaya Ka Na

Mahal...
Napakasayang kasama ka
Napakasayang hawakan ang mga malalambot mong kamay
Napakasayang halikan ang mga mapupula mong labi
Napakasayang yakapin ka
Napakasayang..
Mahalin ka
Mahal?
Naaalala mo pa ba nung nangako tayo sa isa't-isa?
Na hindi tayo mag-iiwanan
Na hindi tayo mag hihiwalay
Na hindi tayo magpapatalo sa pagsubok na darating sa buhay at relasyon natin
Na hindi tayo magpapa-apekto sa mga sabi-sabi
Na magpapakasal tayo
Na mamahalin natin ang isa't-isa hanggang sa kabilang buhay
Pero meron akong salitang pinanghahawakan ko
Ang salitang di ako susuko sa'yo
Pero ito ako ngayon..
Unti-unting nagiging mahina sa nakikita ko
Unti-unting nawawasak ang nararamdaman ko dahil sa naririnig ko
Ang sakit,Mahal
Sobrang sakit
Ang sakit na parang pinupukpok nang martilyo ang puso ko na naging dahilan kung ba't nagkapira-piraso ito
Mahal..
Nagdurugo ako nang makita kang may katawanan na iba
Nagdurugo ako nang makita kang may kayakap na iba
Nagdurugo ako nang makita kang hinahalikan siya
Nagdurugo ako nang makita kang lumuhod sa harapan niya
Pero mas nagdurugo at nagdurugo at nadurog nang nadurog ang puso ko nang sabihin mo sa kanyang 'Mahal Kita'
Mahal..Kita..
Dalawang salitang binitawan mo rin sa harapan ko
Dalawang salitang binibitawan mo ngayon sa harap nang ibang babae at hindi na sa'kin
Masakit,Mahal
Sobrang sakit na makita kang masaya sa piling nang iba at hindi sa'kin
Pero Mahal..
Kahit sobrang durog na durog na 'tong puso ko..
Tumitibok pa rin ito para sayo
Pangalan mo pa rin ang isinisigaw nito
Mahal ka pa rin nitong puso ko
Mahal na mahal ka pa rin nito na ang sakit sakit na
Mahal...
Na mahal...
Na mahal...
Na mahal ka pa rin nito
Pero Mahal..
Sa sobrang mahal kita nakapagdesisyon na ako
Nakapagdesisyon na akong palayain ka
Papalayain na kita Mahal
Papalayain na kita
Masakit man sa puso ko na pakawalan ka pero yun ang nararapat
Mahal kita kaya malaya kana
Mahal..
Malaya kana

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon