Bakit

1.5K 19 0
                                    

Bakit

Bakit..
Bakit nagbago ka?
Bakit nag iba na ang dating ikaw?
Bakit sa tuwing ika'y aking titignan..ika'y umiiwas
Bakit sa tuwing ika'y hahawakan..tinatanggal mo agad at parang nandidiri
Bakit hindi ko na makita ang dating ikaw na minahal ko at minahal ako?
Bakit?
Bakit ganun?
Bakit parang nagbago lahata nang meron sayo?
Bakit mo'ko iniwan?
Dahil ba sa ugaling meron ako?
Bakit...
Bakit mo nagawa sa'kin 'to?
Dahil ba sa ayaw mo na sa'kin?
Bakit..
Bakit winasak mo ang puso kong ang ginawa lang naman ay mahalin ka nang sobra?
Dahil ba sa wala akong karapatang sumaya?
Bakit...
Bakit di mo'ko kayang tignan nang deretso sa aking mga mata?
Dahil ba sa ayaw mo nang magpadaan sa mga mata kong nagmamakaawang bumalik ka?
Bakit...
Bakit mo'ko sinaktan?
Dahil ba kapalit-palit ako?
Bakit..
Nakita kitang naka-upo at mukhang may inaantay.
Gusto kitang lapitan at kausapin ngunit..
May isang babaeng lumapit sayo at niyakap ka...
Napahinto ako't napahawak sa aking dibdib na kung saan ang parte nang puso ko..
Mabilis ang tibok nito..
Nangingilid ang mga luhang namumuo na sa aking mga mata..
Luhang gustong gusto nang bumagsak pero aking pinipigilan lamang...
Gusto kong lumapit sa inyo at sampalin ang babaeng kasama mo..
Ngunit wala akong karapatan dahil alam kong nagmamahalan kayo...
Sa pagkakataong nakita ko kayong masayang naglalakad habang masaya at yakap yakap ang isat-isa..
Saka bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadyat na tumulo...
Luhang sumisimbolo nang aking kirot na nararamdaman sa pagkakataong iyon..
Luhang nagsasabing ako'y nasaktan nang sobra..
Ako dati..
Ako dati ang kayakap mo
Ako dati..
Ako dati ang katawanan mo..
Ako dati..
Ako dati ang nagpapatibok at nagpapasaya sayo..
Pero ngayon...
Ngayon ay hindi na ako iyon..
Ngayon ay hindi na ako ang kayakap mo
Ngayon ay hindi na ako ang katawanan mo
Ngayon ay hindi na ako ang nagpapasaya sayo
Ngayon ay hindi na ako ang mahal mo
Oo masakit...
Pero kailangang tanggapin..
Kailangang tanggapin na ang dating kayo ay hindi na pwede pang maibalik..
Kailangang tanggapin na ang taong mahal mo ay may kasama nang iba
Kailangang tanggapin...
Na hindi ikaw ang mahal niya .. kundi siya..

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon