Random

1.6K 16 0
                                    

Random

Nakakapagod pa lang magmahal 'pag pa-ulit-ulit kang nasasaktan at nawawasak. Pero ikaw puso hindi ka parin napapagod. Ba't ganyan ka? Ako pagod na pagod na ako sa kakaiyak pag nasasaktan ako pero ikaw sige ka pa rin sa pagtibok. Sige ka parin sa pag-sigaw nang pangalan niya. Bakit ba siya pa rin? Bakit ba siya pa rin ang mahal mo? Puso naman e! Masaya na siya sa iba! May mahal na siyang iba! Please intindihin mo naman na 'yon. Oo mahal ko pa siya pero ba't ba ang hirap paikusapan ang sarili ko na wag na siyang mahalin? Wala naman kasi akong mapapala kung ipagpapatuloy ko pa 'tong nararamdaman ko sa kanya. Nakaka inis na yung sarili ko. Kahit gusto ko mang i-unlove ka hindi ko magawa. Itong si puso naman kasi e! Sa tagal na nang panahon na 'yon siya pa rin ang isinisigaw nang pusong 'to. Nakaka-bobo mag-mahal pag yung taong mahal mo may mahal nang iba. Minamahal ko siya habang may minamahal siyang iba. Lihim na pagtingin ang ginagawa ko. Hanggang tingin na nga lang ba talaga ako? Ganun naman lagi diba? Ilang beses na ba akong nasaktan? Lima? Oo lima. Lima na ex ko e. Una,umasa ako na magtatagal kami,pero hindi pala. Siya yung sumuko sa relasyon namin kasi may nakaalam daw na kami kaya ayun. Break na. Pangalawa,ako ang sumuko. Hindi ko naman talaga siya mahal. Binigyan ko lang nang chance. Ang gaga ko ba? Pangatlo,karma ko ata kasi hindi niya talaga ako minahal. Ginawa niya akong panakip butas para makalimutan ang ex niya. Ganun na ba talaga ako kamalas para hindi maging masaya? Pang-apat,siya. Ako na yung sumuko kasi nakakapagod mag selos sa kaibigan mo. Nakakapagod makita na yung taong mahal mo mas close sa bestfriend mo. Pero ako ito,inintindi yon. Kasi bestfriends nga. Pero di nagtagal sumobra na. Hindi sinabi na may gusto pala siya sa kaibigan niya habang merong KAMI. Masaklap diba? Pero kahit paulit ulit yon ito parin yung puso ko tumitibok sa kanya. Pang-lima,masaklap to. Kasi sarili mong boyfriend in-offend ka at nag-comment nang negative things about sa personality ko at sa pang-labas ko na suot. Jejemon daw po ako. Tinanggap ko ang pango-offend niya kasi mahal ko. Pero hindi ko na tinanggap pa 'yung hind niya pagtrato sakin as girlfriend. Tama ba yung habang kumakain ako astang susuntukin ako from behind? Ang sama niya na pag tinuloy niya yun. Napaka beastmode ko sa kanya non. At siya pa ang may ganang magalit kasi nagagalit daw ako sa kanya nang walang dahilan? Ha! E siya nga yung nag bibigay nang paraan para magalit at kamuhian ko siya. Siya ang nakipag break sakin pero tinanggap ko. Umiyak ako sa kaklase ko at ibinuhos lahat nang sakit na naramdaman ko. Minahal ko pero sinaktan ako. Ganun na ba talaga ako kamalas sa pag-ibig? Na lahat nang nakaka-relasyon ko hindi nagtatagal sa'kin at iniiwan akong luhaan at nasasaktan? Gusto ko nang sumuko pero ayoko. Siguro pagsubok lang to sa'kin. Pagsubok na kailangang harapin ko. Pagsubok na kailangang lagpasan ko. Na kahit durog na durog na tong puso ko,mag mamahal pa rin ako kahit ang sakit sakit na!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon