Sana
Sabi mo noon,walang iwanan
Mga pangako natin sa isa't isa na unti-unting naglalaho dahil sa pananakit mo
Hindi pisikal pero emosyonal
Winasak mo ang puso ko dahil mas pinili mo siya kesa sa'kin
Dinurog mo ang puso ko dahil nalaman kong mas masaya ka sa kanya kesa sa'kin
Pero mas nanghina ako nang sabihin mong mas mahal mo siya kesa sa'kin
Masakit,mahal. . .
Masakit malaman na 'yung taong minamahal ko ay may minamahal na iba
Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin mo 'ko pabalik. . .
Pero sinaktan mo 'ko bilang sukli
Mahirap ba akong mahalin?
Intindihin?
E di sana. .
Sana hindi ka na lang lumapit sa'kin para 'di na ako nahulog pa sa'yo
Sana hindi mo na lang ako kinakamusta para 'di na ako napapamahal sa'yo lalo
Sana hindi mo na lang sinabi na MAHAL MO AKO para 'di kita sinagot nang MAHAL DIN KITA
