Chapter 13 ( Keleg )

280 43 25
                                        

Sehun's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ng Exo K at kanina pa nag pagulong gulong dito sa kama, Hindi kasi ako maka tulog sa kakaisip sa problema namin ni Luhan pati ako naawa ako kay Rachelle dahil hindi sya gaano pinapansin ni Luhan dahil nga sa away namin pero ang kinaiinis ko ay bakit dinadamay nya pa si Rachelle.. Eh wala naman kasalanan si Rachelle. Hayysst! Bakit ba nangyayari ito ngayon?!. Panigurado ako na nag tataka na sya kung bakit kami nag away ni Luhan, pero asan na nga ba sya? Saan sya natutulog ngayon? Posible naman sya tumabi kay Luhan. Mabuti pa'ng hanapin ko muna sya ngayon.

Nag libot ako sa mga kwarto para hanapin sya at nakita ko na hindi katabi ni Luhan si Rachelle. Hinawakan ko ang doorknob at mahina itong inikot dahil baka sakaling andito sya sa Practice Room. At pagka silip ko ay andun nga sya sa couch at mahimbing natutulog, bumalik ako sa kwarto namin at kinuha ko ang kumot na ginagamit ko at tinaklob ko ito sa kanya habang naka tuwad na tinitingnan ang mukha nya. Lalo ka pala gumanda ngayon. Kaya pala hindi kita na mukhaan pero bakit iba ang pangalan mo? hinawi ko ang bangs nya papunta sa kanan at napapa ngiti ako. Gumagaan ang loob ko pag nakikita kita.. kaya ngayon medyo nawala ang inis na bumabalot sa katawan ko kay Luhan. Hinding hindi ka pa din nag babago. Bago ako umalis ay hinalikan ko muna sya sa noo.

"Sana maalala mo na ang lahat Rachelle" iniwanan ko na sya sa Practice Room at nang papasok na ako sa kwarto namin ay biglang bumakas ang pinto ng Exo M. Siguro si Luhan iyon.

"Pinuntahan mo sya?" Mahinahong sinabi nito sakin.

"Oo, andun sya sa Practice Room. Natutulog sa couch" pag kasabi ko sa kanya ay umalis na sya at pumunta kung na saan si Rachelle. Pumasok na lang ako sa kwarto at humiga na sa kama. Kelan kaya nya matatandaan ang lahat? Kung matatandaan na nya.. sino ang pipiliin nya sa aming dalawa?.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Sabi ni Suho habang naka takip ang kamay sa bibig dahil nag hihikab sya.

"Ah.. Eh" yun lang ang nasabi ko sa kanya at nang tumingin ako ay naka tulog na pala ito. Hayy nako!. Pinikit ko ang mga mata ko at pinipilit ko maka tulog.

"Sehun! Gising na!" Naalipungatan ako sa sigaw ng pamilyar na boses na sa tingin ko ay kay Dyo. Kaya bumangon na agad ako sa pag kakahiga at hindi ko pala namalayan na naka tulog na pala ako kagabi.

"Ang ingay mo Dyo! Tss!"

"Kanina pa kaya kita ginigising! Anong oras ka na ba naka tulog?"

"Mga 11:45 siguro?" Hindi ko kasi na tingnan kung anong oras na ako naka tulog, hindi naman kasi kailangan yun diba?. Bumaba na kami ni Dyo at nakita ko na lahat ay nandun na sa lamesa at naka upo. Pero nilibot ko ang mata ko at hindi ko nakita si Rachelle. 

"Nasaan si Rachelle?" Tanong ko sa kanilang lahat at sinabi ni Kris na tulog pa din daw ito ng bumaba sya. Nag umpisa na kaming kumaing lahat kasama si Luhan pero hindi kami mag katabi nito. Napa tigil kami sa pagkain dahil nagulat kami sa pag lapit ni Rachelle samin.

"Bakit hindi nyo ako initay? Andaya nyo naman tss" papikit pikit na sinabi ni Rachelle at kinukuskos ang mata dahil bagong gising lang sya.

"Ba-bakit ganyan yung suot mo?!" Gulat na sinabi Tao.

"Ha?! bakit?anong problema?" Tumingin sya sa suot nya at nanlaki ang mata nya dahil nagulat sya sa nakita nya.

"Wahh! Bakit ganto damit ko?! Wa-wag kayong tumingin! Takpan nyo mata nyo! Uwahh!" Pa bulol-bulol na sinabi nya samin. Sinunod na lang namin ang sinabi nya at tinakpan namin ang mata namin gamit ang kamay. Pero itong si Tao ay naka titig pa din kay Rachelle at gulat na gulat sa nakita.

"Ano ba Tao! Pumikit ka nga! Aakyat ako para mag palit pero ipikit mo muna yung mata mo! Huhu" Nilapitan ko si Tao at tinakip ko ang kamay ko sa mata nya pero naka pikit ang mata ko kaya hindi ko makikita si Rachelle dahil nirerespeto ko sya.

My Ideal WomanWhere stories live. Discover now