Rachelle's POV
"Eh kasi nga wala ka'ng alam sa nakaraan mo kaya wag mo ako pag salitaan ng ganyan!"
"Ha!? anong nakaraan?"
"Hindi ko pwede sabihin sayo dahil masasaktan ka! kaya sana maintindihan mo kami ng mama mo" pero bakit? hindi ko talaga maintindihan.
"Pano ko kayo maiintindihan kung hindi nyo sinasabi sakin? please Robina sabihin mo" pag mamakaawa ko sa kanya at hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko, bakit ba ganun sila? ayaw nilang sabihin ang totoo sakin.
"Dahil masasaktan ka nga lang! sorry talaga pero hindi ko masasabi sayo" ako? masasaktan? bakit may dapat ba talaga ako'ng malaman sa past ko?
"Sabihin mo na ang nalalaman mo sa past ko please" lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi talaga pwede, oo alam ko na mag kaibigan tayo at nangako tayo sa isa't isa na hindi tayo mag tatago ng sikreto pero iba kasi 'to eh. Ibang usapan 'to at ayaw lang kitang makitang masaktan at umiyak" niyakap nya ako at nag sorry pero sobra na akong nasasaktan ngayon. Bumitaw ako sa pagkakayakap nya sakin.
"Kung hindi mo kayang sabihin sakin pwes aalis ako sa bahay na ito at wag ka mag papakita sakin hanggat hindi mo pa kayang sabihin" pinununasan ko ang mga luhang tumulo sa mukha ko gamit ang kamay ko, pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ng ilang mga damit kasama ang mga importanteng bagay sakin at nilagay ko sa bag ko. This time, totoo na. Walang halong biro o acting.
"Aalis na ako!" sinuot ko na ang bag ko at bumaba na ako ng hagdanan, sinubukan ako'ng pigilan ni Robina pero hindi ko na sya pinakinggan.
Andito na ako sa kanto at nag aabang ng masasakyan, nakita ko na pinag titinginan ako ng mga tao at kung maka tingin akala mo may gagawin silang masama sakin. Tingnan ba naman nila ako mula ulo hanggang paa, dudukutin ko mga mata nila eh.
"Ano ba mali sakin? pangit ba suot ko?" tumingin ako sa suot ko at sh*t naka panjama nga lang pala ako at naka t-shirt na hello kitty! bakit hindi ko naisipan mag palit ng damit bago ako umalis!? ang tangersh ko talaga pero nakahilamos na ako ng mukha at maayos na din ang long hair ko na mas mahaba pa kay Rapunzel. Sa totoo nga lang ang hirap dalhin ng hair ko sa sobrang haba.
Pero paano na yan ngayon eh hindi naman ako makakapag palit kasi walang cr dito huhu. Nakakahiya ng super.
"Sasakay ka?" sabi nung driver na tumigil malapit sakin.
Sasakay ba ako o hindi? kung sasakay ako.. saan ako pupunta? pag hindi naman ay mababalutan ako ng pang hihiya sa sarili ko dahil nga sa outfit ko. Ano ba? sasakay ako o hindi?.
"Ms. Hello Kitty! sasakay ka ba!? kung hindi ay aalis na ako" putcha! pati ba naman ikaw manong driver aasarin din ako. Sabunutan na lang oh.
"Hindi ho ako sasakay! kaya umalis ka na po" hihihi natatawa ako sa kanya kasi panot yung buhok nya yung parang sa mga pari sa gitna ay walang buhok.
"Pinag antay mo pa ako ng matagal tapos hindi ka naman sasakay! sayang yung kita ko. Dapat ngayon meron na kong' pasahero, dagdag kita pa!" aba! kasalanan ko ba na intayin nya ako. O.A din nito ni Manong eh.
Umalis na si Manong Driver kaya nag isip na ako kung saan ako pupunta at titira pasamantala. Tiningnan ko ang cellphone ko na may wallpaper ni Luhan at speaking of Luhan sa kanila na lang kaya muna ako titira? wala kasi ako matutuluyan eh. Hinanap ko sa contacts ang no. ni Luhan at tinawagan ko ito. Buti na lang na save ko kagabi ang number nya kundi mamumulubi na lang ako dito huhu. Agad naman nya itong sinagot.
"Luhan pwede mo ba ako sunduin dito sa kanto namin?" tanong ko sa kanya pero paano kung busy sya? huhu wag naman sana.
"Wait papunta na ako dyan"

YOU ARE READING
My Ideal Woman
Fiksi RemajaExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]