Chapter 34 ( The Kiss )

81 8 7
                                    

Robina's POV

"Penge pa nga ako nun"

"Rachelle paabot naman nung Soup"

"Wahh ang sarap"

"May extra rice pa ba?"

Habang ngumunguya kong sabi. Oo ako lang ang nag sasalita dito. Pano ba naman ang akward ng moment kasi nandito kami sa bagong bahay ni Sehun at napanganga talaga ako kasi kami ang unang bibinyag dito. Apat kaming nandito sa loob ng bahay, may chef kasi na nasa labas para mag grill at kaming tatlo nina Sehun ay nandito sa Dining area na kasalukuyang kumakain.

"Tapos na daw yung Galbi na ginrill nya" napatingin naman ako kay Sehun na inilipag ang cellphone sa bahagyang kanan sa lamesa. Katabi nya si Rachelle sa may kaliwa at ang puwesto ko naman ay sa harapan nila. Isang parisukat ang lamesa na kasya sa labindalawang katao ang puwedeng gumamit sa lamesang ito na gawa sa kahoy na kulay itim. Ang bongga diba?. Hanggang 3rd floor kasi itong bahay nya at nandito kami sa pinaka baba, first floor. Maganda sa mata ang kulay ng pader at ng mga gamit nya kaya masasabi mo talagang maigi nya itong pinag ipunan.

"Pano mo nalaman?" tanong ko.

"Nag text sya eh. Sige kunin ko muna yun para makain na natin" tumayo sya at pinuntahan na ang chef na sinasabi nya. Ang taray ha. May chef talaga at nag tetext sila habang kumakain at nag luluto. Effortless!. Magkadevelopan kaya ang dalawa?.

"Pssht. Huyy gurl" pagsitsit ko kay Rachelle na humihigop ng Yukgaejang. Spicy shredded beef stew with scallions, onions and Korean radish iyon. Tinaas nya ang kilay nya na nag sasabing "Oh bakit?". Korean dishes kasi itong inihain samin ng chef pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya nakikita. Pagkadating kasi namin ay nakahain na ang mga ito sa lamesa kaya direstong chibog na kami.

"Sino ba yung nag luluto? napaka misteryoso nya ha" hindi sya sumgot at nag kibit balikat lang. Sino ba kasi yun?. Ansarap nyang mag luto eh. Kunin ko kaya syang personal kusinera?. Napapagod na kasi ako mag luto sa bahay. Lagi kasing nag dedate sina mama at papa kaya ayun.. ako ang nag luluto ng  pansarili. Puro sinigang, adobo, pritong manok at itlog lang ang alam kong lutuin eh basta mga Pilipino dishes kaya ko.

"Eto na oh" inilapag ni Sehun ang isang plato na puno ng Galbi. Galbi ang tawag dito. Short ribs sya na marinated in soy souce.

"Mukhang masarap yan ah!" natatakam kong sabi. Kukuha na sana ako para tikman pero sinita ako ni Rachelle.

"Antayin muna natin yung nagluto ng mga to. Para makakain din sya" aniya Rachelle. 

"Sino ba kasi sya?" nagtatakang tanong ko. Kanina pa ako kain ng kain tapos di ko man lang alam yung mukha ng nagluluto. Eh pano na lang kung panget pala yun?. Na kamukha ni mojojo?. Dah?. At isa pa kanina pa kaming kumakain dito tapos ngayon nya lang naisip imbitahang makikain din yung chef. Yung totoo Sehun?.

"Makikilala mo din sya. Nag huhuhas lang sya ng kamay sa cr.. Oh eto na pala sya eh" napatingin ako sa direksyon ng mata ni Sehun at nakita ang nag lalakad na lalaki na may suot na Apron na may printed na Dora. 

"Wah!" sigaw ko sa pagka gulat. Binitawan ko ang tinidor na hawak ko at tiningnan ng mabuti ang lalaking napahinto na sa paglalakad.

"Dora!" hindi ako nag kakamali. Dora ang nasa apron nya. Pero teka nga lang. Nasabi ko ba ngayon ang pangalan ni Dora?. Takip bibig. 

"Oh? di ka ba masaya?" natatawang sabi ni Sehun. Hindi ako masaya?. Sobrang saya ko kaya kasi nakita ko na ulit si Dora. Mygod!. Namiss ko sya. 

"Tss. Ang engot talaga nito" bulong ni Rachelle. Tumayo sya at pumunta sa tabi ko tsaka inilagay ang dalawang kamay sa mukha ko at ipinag tama ang mukha namin nung gwapong chef. Napabalikwas naman ako. 

My Ideal WomanWhere stories live. Discover now