Chapter 20 ( Go on )

183 36 0
                                        

Sehun's POV

Sinundan ko agad si Rachelle nang agad syang umalis sa kwarto. Ano ba nangyayari sa kanya? Bakit sya nagkaka ganto?. Sinundan ko lang sya habang tumatakbo at halatang umiiyak sya. Hanggang sa makarating kami sa rooftoop ng ospital.

Lumapit agad ako sa kanya at niyakap pero nag pumiglas sya at sinampal ako sa mukha.

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo!" Tumulo ang mga luha nya sa mukha na puno ng galit. I deserve this slap. Sinaktan ko sya. Ang sama kong' tao. Hindi ko man lang sinabi sa kanya ang totoo.

"Bakit ba kayo ganyan? Hindi nyo man lang naisip yung damdamin ko.. Na masasaktan ako at magagalit. Sinaktan nyo lang ako Sehun! Ginawa nyo akong tanga! Ang sakit ng ginawa nyo!" Patuloy pa din ang pag agos ng luha nya at kitang kita sa kanya ang pipigil lang para sampalin ulit ako.

"Ngayon alam ko na ang totoo! Na iniwan mo lang ako ng basta-basta noon! Akala ko ba mahal mo ako! Pero bakit ganyan ka Sehun? Nagpaka totoo naman ako diba? Nangako ka pa nga nung mga araw na yun na hindi mo ako iiwan. Niloko mo lang ako at sinaktan!" Hinayaan ko lang sya mag salita. Kahit anong sabihin ko naman hindi pa din sya maniniwala eh. Dahil iniwan ko nga lang sya at niloko. Pero may isang totoo akong pinadama at sinabi sa kanya noon at hanggang ngayon na..

"Mahal kita" I said.

"The F !? Mahal mo ako? Ha-ha! You're crazy!.. Prove it Sehun" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sya. Eto lang naman ang mag papatunay na mahal ko sya. Na mahalikan ko sya sa labi nya. Pero nagkakamali ako dahil sa paghalik kong' yun ay lalong tumulo ang mga luha nya at tinulak ako papalayo sa kanya.

"Tama na Sehun" bigla na lang sya tumakbo sa dulo ng rooftop at nag tatangkang tumalon. Lalapit na sana ako pero bigla syang sumigaw.

"Wag kang lalapit! Hayaan mo na akong mag pakamatay!" Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si D.O. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila dito kasama ang mga nurse at doctor.

Rachelle's POV

Minulat ko ang mga mata ko at pinag masdan ang paligid. Asan ako? Nasa ospital ba ako?. Agad kong naalala na nasa kotse kami ni Sehun para pumunta sa Korea pero nung araw na yun ay naaksidente kami. Kaya agad ko syang hinanap. Sana ayos lang sya.

"Sehun! Asan ka?" Nagulat na lang ako nang may biglang lumapit sa aking mga lalaki at isa na dun si Sehun. Halata sa kanila ang pag alala sakin. Bakit? Anong nangyari? Sino sila?.

"Andito lang ako" ngumiti ako at niyakap ko sya ng mahigpit habang tumutulo ang mga luha ko.

"Mabuti ayos ka lang. Akala ko mawawala ka na sa akin" pinag masdan ko ang mukha nya. Bakit ganun? Lalo syang gumwapo?.

"Teka Babe, bakit ganun?" Sumakit ang ulo ko na para bang mabibiyak na ito sa sobrang sakit. Nanlabo ang mga paningin ko at may biglang pumasok sa utak ko na mga alala. Alaala ng buong pagka tao ko. Simula sa unang pag kikita namin ni Sehun sa Korea hanggang sa kaarawan ko na ipinagdiriwang dito sa Pilipinas at sa pagka walan ko ng malay. Oo na aalala ko na ang lahat. Naalala ko na ang pag loko nya sakin. Bakit nya ginawa 'to?.

Bumukas ang pinto at agad syang lumapit kay Sehun at sinuntok ito sa mukha.

"Bakit mo sinabi yun ha?! Bakit mo sinabi na aalis na tayo dito sa Pilipinas para pumunta na sa Korea?! Alam mo naman na kailangan ako ni Rachelle diba?! Gago ka ba ha!" Inawat sila ng mga members sa pag aaway pero hindi pa din sila tumigil. Napasubsob na lang ako sa tuhod ko habang tumutulo ang mga luha. Ayoko silang makitang nagkakaganto. Naramdaman ko na sinuntok ulit ni Luhan si Sehun kaya naman tumawag agad ako kay Robina para pigilan din sila at agad naman sila pumunta dito sa kwarto. Susuntukin na sana ni Luhan si Sehun nang sumigaw ako.

My Ideal WomanWhere stories live. Discover now