Luhan's POV
Buong taon na lumipas ay hindi mawala sa isip ko ang kasalanang hindi ko sinasadya. Hindi ko inakala na mangyayari iyon. Hindi ko inakala na sa pagkakamaling iyon ay pwedeng mag bago ang pakikitungo nya sa akin. Itinago ko iyon at kahit sino ay wala akong pinag sabihan sa sikretong bumabagabag sa isip ko.
Limang taon na ang lumipas ng mag bakasyon ako sa Pilipinas dahil napag alaman ko na hindi ako nakapasa sa Sment kaya lumipad ako papuntang Pilipinas para mag bakasyon muna at nang pabalik na ako dito sa Korea ay biglang tumawag sa akin ang SM Entertainment para sabihing nagkamali lang sila ng pag tingin sa info kaya sa sobrang saya ko ay hindi ko na nabigyan ng atensyon ang dinadaan ko kundi sa kausap ko lamang sa telepono at ng ibaling ko na ang pag tingin dito ay nagulat na lamang ako dahil biglang nag preno ang nasa unahan na kotse ko kaya mabilis kong' inapakan ang brake at hindi inaasahang mabilis ang pag papatakbo ng nasa likuran kong' kotse kaya tumaob ang sasakyan na ito at nahulog sa ilog.
Sobrang nagulat ako sa nangyari at hindi makapaniwala kaya nang nahulog ito sa ilog ay agad kong' pinaandar ang kotse at inunuhan ng pag papatakbo ang noong nasa unahan kong' kotse. Iyon ang unang pumasok sa isip kong' gawin dahil hindi ko kayang pag masdan ang mga sakay sa kotse na unti-unting nalulunod nang dahil sa akin. Nakonsensya ako at iniisip kung nabuhay ba ang nakasakay doon o hindi.
"Uulitin ko. Sasabihin mo ba o hindi?" bigla akong natauhan mula sa pagkakayuko ko.
Tumingin ako sa kanya na nag hihintay marinig ang sagot ko. Hindi ko kayang sabihin. Mahal ko sya pero parang lalo ako inilalayo sa kanya dahil sa nalaman ko.
"I.."
Tumaas ang kanang kilay nya at tila nag aabang sa susunod kong' sasabihin.
"I killed your father"
Nagulat sya sa sinabi ko at hindi makapaniwala. Yes. I did it. I'm the one who are in front of them when the accident was happend at ako din ang tumapak sa break kaya nahulog ang sinasakyan nilang kotse.
"Wag kang mag biro Luhan! sabihin mong hindi yan totoo" naluluhang sabi nya.
"I'm telling the truth Rachelle. And it was an accident" hinawakan ko ang kamay nya at tiningnan ang namumuong luha sa mga mata nya.
"Wag na wag mong' idadamay ang daddy ko sa pag bibiro mo!"
"Totoo ang sinasabi nya" sabi ni Sehun kaya napatingin sa kanya si Rachelle.
"Pati ba naman ikaw makikisali sa pag gawa ng kuwento nya?. Akala ko ba magkaaway kayo ha?eh bakit parang pinakakaisaha nyo akong dalawa?"
"Please forgive me" pag mamakaawa ko at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!" pag pupumiglas nya.
"Rachelle.."
"I said get off!" dahil sa galit nya ay pinilit nyang tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanya at naluluhang umalis at sumakay sa kotse.
Tumingin ako sa kanya at tinitigan ng masama. "Ano masaya ka na ha?!"
Ngumisi sya "Hindi pa sa ngayon baka bukas siguro at oo nga pala galingan mo sa pag babalik mo sa grupo ha?"
Umalis na sya at iniwanan akong mag isa dito. Oo babalik na ako sa Exo.. kaya nga pumunta ako kaninang umaga sa Sment para intindihin iyon. Pero shit lang! kailangan kong ayusin 'to!.
Napasabunot na ako ng buhok at tinadyakan ang pader. "Fuck! fuck!"
Rachelle's POV
Umuwi akong luhaan sa bahay at dumeretso agad sa kwarto ko para humiga at mag tilakbong ng unan sa kakiyak.
"Bakit ba nangyayari 'to sakin?. Bakit yung mga importanteng tao sa akin ay lagi nag lilihim ng ganito?. Wala na ba silang awa?. Lagi na lang ako nasasaktan sa bawat pangyayaring nagaganap" binato ko ang unang nasa tabi ko at napagtantong may kumakatok sa pintuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/11728407-288-k221197.jpg)
YOU ARE READING
My Ideal Woman
Teen FictionExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]