Chapter 19 ( Woke )

188 40 0
                                        

Robina's POV

"Asan na kaya yung lalaking yun? anong oras na oh. wala pa din sya tssk" bulong ko habang kinakausap ang picture ni D.O.

"Hindi din nag rereply sa mga text ko. Napano kaya yun? baka naman pinag kaguluhan na ng mga fans?"

"Hayy nako. Nakakainis ka! 25 minutes na akong nag iintay dito. Argg"

"Ano ba? wala ka na bang balak sumipot?. Haysst.. bahala ka na nga dyan, aalis na ako" tatayo pa lang sana ako para umalis na dito sa canteen ng Hospital ay may bigla akong narinig na sigawan mula sa labas.

"Wahh! ang gwapo nya!"

"Agree! At sobrang cute nya. Inlove na ata ako sa kanya" Sino kaya yung tinutukoy nila?. Sinilip ko ang kaguluhan na nangyayari sa labas pero di ko pa din talaga makita yung guy. Di kaya.. Si Kyungsoo my lovely Twinggo yun?. Wahh!.

Pasilip silip ako sa labas habang naka tayo pa din dito sa canteen nang biglang nag slow motion ang lahat ng pang yayari. Humahangin ng napaka lakas kaya ang buhok ko ay pumapagaspas kasabay ng hangin yung parang ba sa mga teleserye. Habang nag lalakad si Dyo papalapit sakin ay nag soslow motion pa din at humahangin. Pakshet. Ano ba nangyayari? Bakit ganto? Bakit hindi ako makagalaw? yung parang naka dikit yung mga paa ko sa sahig kaya hindi ako makaalis.

"Robina? Oyy!" Bakit ba kasi ang gwapo mo?. Sabi ko sa isip habang kinakagat ang tinapay na inorder ko kanina.

"Okay ka lang ba?" Sa sobrang gwapo mo.. lalo akong naiinlove sayo.

"May sakit ka ba?" Nakakainis ka!. Inalog alog nya ako pero waepeks pa din kaya nagulat na lang ako nang kinurot nya ako sa braso.

"Aray! Ang sakit. Panira moment naman oh" naiinis na sabi ko at pinag tutuunan ng pansin ang braso ko habang nilalamon pa din ang sandwhich. Buti na lang hindi nag sugat, hayy. Thanks Lord. Alagang alaga ko kaya ang balat ko. Charot.

"Hindi ka kasi nakibo eh" ako hindi nakibo? Hala. Kinakain ko kaya nun yung sandwhich ko tapos tinitigan ko yung lalaking nangangalan na Dyo. And speaking of. Inangat ko ang ulo ko at hinanap si D.O gamit ang mga mata ko.

"Ashan *chew* na kaya yun?"

"Tss. Andito na ako" lumingon ako sa lalaking nag salita na kumurot sakin kanina at emeged! Yun pala si D.O.

"Ahehehe. Peace yoww ^_^v"

"Let's go" aba hanep. English ah. Hinahamon ata ako nito eh, hindi nyo natatanong na best in english ata ako nung grade school. Kaso ngayon hindi na. Sinundan ko lang si Dyo papalabas ng canteen at Omo!! May poster yung batang nakaupo sa may canopy sa labas na Dora.

"Where we are going dora?" Patalon talon kong tanong kay Kyungsoo sabay tapon ng tissue na pinagkainan ko kanina ng sandwich. Humarap sya sakin at tila bang' nag tataka. Bakit? May nasabi ba akong mali?.

"Dora?"

"Oo ahehe. Ay este Twinggo" sumakbit ako sa braso ni Dyo at binalisan ang lakad habang hinihila papalabas ng hospital si Dyo para puntahan yung bata. Pagkalabas na pagka labas namin ay pinuntahan ko agad yung bata.

"Hmm. Hello bata. Pwede patingin ng poster mo?" With matching simley face sa kanya.

"Oo naman po. Pwedeng-pwede" pagkatapos nyang sabihin ay hinigit ko na agad yung poster na hawak nya at tinitigan ang mukha ni Dora.

"Kyahhh! Ang cute mo talaga Dora! Kung pwede lang tayo magpalit ng mukha.. gagawin ko na" gigil na gigil na sabi ko sa poster ni Dora. Hmm. Sige na nga aamin ko na. So ganto yun, crush ko si Dora. Oo crush ko talaga sya, walang halong biro. Simula bata pa lang ako inlove na ako sa kanya ewan ko nga kung bakit nangyari yun eh. Age doesnt matter naman diba?. Pero hindi ko pinapahalata at sinasabi sa iba yun. Kahit kay Rachelle.. Di ko din sinabi sa kanya kasi baka mamaya agawin nya sakin yun kaya minabuti ko nalang itago yung sikreto ko na crush ko nga si Dora. Madami din akong collection na poster ni Dora, dvd's, t-shirt at kung anu ano pa pero naka tago yun sa secret box ko at naka lock pa. Bongga diba.

My Ideal WomanWhere stories live. Discover now