Chapter 14 ( Date )

261 43 11
                                        

Luhan's POV

Nasa loob kami ng kotse sa tapat ng Aubergine, isa kasi sa mga romantic Restaurant ito kaya dito ko sya dinala. Hihingi sana ako ng sorry sa kanya dahil medyo nagalit ako sa kanya na alam ko naman na wala syang alam sa nang-yayari, masyado kasi mainit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Kaya pinipilit ko ngayong araw maging masaya pati na din si Rachelle. Hindi pa kasi kami nag de-date na kaming dalawa lang kaya ngayong araw ay uumpisahan ko na manligaw sa kanya.

"Luhan? Bakit andito tayo? mahal yung mga pagkain dyan sa loob ah. Baka hindi ko maafford yung price ng mga pagkain, 5 thousand na lang kasi yung pera ko dito sa wallet. Hindi pa kasi ako nakapag withdraw" mahina nyang sinabi na naka yuko, akala nya sya yung mag babayad.

"Don't worry, ako mag babayad" lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa loob ng restaurant. Kitang kita sa mukha at kilos nya na parang naka punta na sya dito sa Aubergine at hindi na ako mag tataka kung bakit dahil mayaman ang magulang nya kaya syempre naka kain na din sila dito.

Pinaupo ko sya chair at ganun din ako, pang dalawahan lang ang kinuha naming table. Umorder na kami at nang matapos na kami kumain ay nag tawag ako ng waiter para imisin na ang kinainan namin atsaka ako bumulong. Mamaya ay dumating na din ang waiter na may dalang bouquet ng ibat-ibang flowers kasama na dito ang rose. Binayaran ko na sya at kinuha ko ang bouquet at binigay kay Rachelle.

"Flowers for you" sweet na sabi ko sa kanya at nag wink, yung mukha nya ngayon ay lalo nagiging pinkish dahil siguro kinikilig sya at yung mata nya ay gulat na gulat at para ba'ng hindi nya na kaya makapag salita pa.

"Eh eh? Sa-sakin?"

"Yup" kinuha nya na ang bouquet at inamoy amoy ito.

"Hmm.. Ang bango ah, thankyou" wala ba ako kiss na matatanggap sa kanya? Tss!. Pero paano ko ba uumpisahin ang panliligaw? Hindi kasi ako marunong eh.

"Gusto ko sana sabihin sayo na sorry, dahil sa nangyari kahapon. Masyado kasi mainit ang ulo ko nun eh" staright na tingin ko sa kanya at sya naman ay ngumit matapos ko sabihin iyun.

"Ano ka ba, wala yun noh. Normal lang naman sa tao yun kaya wag ka na mag sorry" buti naman naintindihan nya ako. Pero may gumugulo pa din sa isipan ko hanggang ngayon at hindi mawala wala iyun ay kung parehas ba kami ng nararamdaman sa isa't isa dahil minahal ko na sya, ewan ko lang kung ganun din sya sakin.

"Buti naintindihan mo ako, meron lang sana ako gusto'ng sabihin sayo " kinuha ko ang bouquet at nilagay sa table atsaka ko kinuha ang dalawang kamay nya papunta sakin para mahawakan.

Tumingin sya kamay naming dalawa at sinabing "Ano yun Luhan?"

"Ngayon ko na inuumpisahan ang panliligaw ko sayo kaya sana ipangako mo na wala ng ibang manliligaw sayo dahil gusto ko ako lang ang pagtuunan mo ng pansin para malaman mo kung karapat dapat ba ako sayo" ayaw ko kasi na may iba pa'ng lalaki ang umaaligid sa kanya. Matapos ko sabihin yun ay hindi sya umimik at namumula ang mga pisnge nya. Tumayo ako at hinila ko ang kamay nya para tumayo sya papunta sa center ng Restaurant.

Nilagay ko ang kamay nya sa balikat ko at hinawakan ko ng dalawang kamay ang bewang nya atsaka nag umpisa tumugtog ang violin. Isinayaw ko sya kasabay ang pag tutugtog ng violin na kahit alam ko'ng kanina pa ako inaapakan ni Rachelle. Ewan ko kung bakit? Alam ko din naman na marunong sya sumayaw ng ganto pero bakit naapakan nya paa ko? At ramdam ko na nanginginig ang kanyang kamay. Pero kahit papaano ay masaya akong kasayaw sya ngayon.

"Ahh! Ang sakit" pangiinda ko. 

"Ha-hala, sorry hindi ko sinasadya" pag uumanhin nya sakin na naka yuko at hindi tumitingin ng diresto sa mukha ko.

My Ideal WomanWhere stories live. Discover now