Rachelle's POV
"Baby, paabot naman ng bag mo. Ako na mag aayos ng mga damit mo" utos ko kay Luhan na nag lalaro ng rubics cube sa may kama. Kinuha nya agad ang bag nya sa tabi at tumabi sa akin dito sa harap ng cabinet.
"Ako na mag aayos baka may makita ka pa kung ano dito eh" at ngumisi sya.
"Nakita ko na yan dati no' kaya alis na" tinulak ko sya papalayo sakin.
Yes, dati ko na nakita ang mga private things nya.. nag laba kasi ako ng isang beses, wala kasi akong magawa sa bahay dahil nasa work sya kaya ayun nakita ko yung ano ahehe. Pero hindi ko naman yun pinag nasaan.. nilabhan ko agad sya. Pero nung nakita ako ni baby na nag lalaba pinagalitan nya ako kasi medyo nag sugat yung mga kamay ko sa kakakusot kaya simula nun hindi na ako nag laba.. pinapalaundry na lang namin yung damit.
Pinag masdan ko ang mukha nya na namumula dahil siguro sa pagka hiya?.
"Wag ka na mahiya baby, quits lang naman tayo diba?. Remember.. nakita mo na din yung akin"
"Tss, basta ako na mag aayos babe" ngumiti sya sakin atsaka binuksan ang zipper ng bag nya at inayos ang mga damit sa cabinet. Hayy nako.. ako na nga nag mamagandang loob tapos tinanggihan pa. Mga tao nga naman.
Teka.. asan kaya si Robina?
Tumayo ako sa pagkakaupo "Baby, labas lang ako ha" pag papaalam ko sa kanya. Asan kaya yung bruha yun?.
"Oh sige babe. Wag ka lalayo ha? mamimiss agad kita"
"Yes baby" lumabas ako sa kwarto namin at nag libot-libot.
Hapon na nang nakarating kami dito sa beach at konti lang ang mga tao dito pero kahit ganun ay sobrang ganda pa din ng paligid. Nilibot na namin ito kanina at ang ganda ng pools, resorts, at ang mga tanawin. Sobrang tahimik dito kaya makakapag relax talaga kami.
Sumakay ako ng elevator para bumaba at nag lakad lakad hanggang sa maka dating ako sa mga pools. Umupo ako at nilublob ko ang mga paa ko sa tubig para mahimasmasan.
"Sana makalimutan na kita" bulong ko sa sarili habang naka pikit.
Nilalanghap ko lang ang simoy ng hangin ng tahimik at nag iisip ng malalim.
"Pano kung dumating yung araw na makita ki.."
"Wahh!" sigaw ko.
Splashh..
Nilagay ko ang dalawang kamay sa mukha at tumingin ako sa kanya ng masama na parang gustong-gusto ko na syang patayin.
Pano ba naman.. tinulak ako ni Luhan sa pool. Basang-basa tuloy ako! at buti na lang mababaw 'to kundi.. malulunod ako.
"Run!"
"Pano kung ayoko ko?" pang aasar na sabi nya na naka upo sa gilid ng pool.
"Edi hihilahin kita!" lumapit agad ako sa puwesto nya at hinila ang dalawang kamay.
Splassh..
"Ahahaha! ang panget" pang aasar ko din sa kanya. So quits na kami.
"Ahh gusto mo pala ng laro ha" nakaramdam ako ng takot kaya napaatras ako.
Nag hatak sya ng tubig at pinatalsikan ako nito.
Psshingg!
"Pwe!" nakalunok ako ng tubig!.
"Ano ba! ayoko na Luhan" pag mamakaawa ako.
"Ayoko nga"
Psshingg..
YOU ARE READING
My Ideal Woman
Teen FictionExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]