Rachelle's POV
*Kringg kringg*
Pinatay ko ang alarm clock ng cellphone ko at nag simulang mag hikab with my eyes closed "Hmm" ang sarap ng tulog ko. Lalo na kapag yakap mo yung malambot mo'ng unan.
"I love you pillow'' sweet na sinabi ko, alam ko'ng parang tanga lang ako dito na kinakausap ang unan pero malay mo mag response sya.
"I love you too" ohmygee! nag response nga sya! I love you talaga pillow! I think mag kakatuluyan kami hihi. Ang landi lang eh noh.
"Ligawan mo na ako dali" naka pikit pa din ang mga mata ko habang kinakausap sya. Sasagutin ko kasi agad sya pag nag kataon para bigyan nya ako ng isang dosenang malambot na unan haha.
"Nililigawan naman kita ng palihim diba?" ha!? ano daw? nililigawan nya ako?.
*Kringg Kringg*
"Ayy tipaklong! nag alarm nanaman sya, nakaka gulat ah'' minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko atsaka pinatay ang alarm. Niyakap ko ulit ang unan at naramdaman ko'ng niyakap nya din ako.
''Pillow!?" nagulat ako sa pag tingin ko sa inaakala ko'unan na yun pala ay si Luhan at napa takip na lang ako ng sapilitan ng mata.
"Oo ako to, si Pillow" natatawa nyang sinabi, ang epic ko tuloy huhu sya pala si pillow pero hindi pa talaga ako maka kita ng maayos kasi tinatakpan ko ito ng mga palad ko dahil naka topless lang sya! yung abs nya! goshh! edi ibig sabihin yung kanina ko pa hinihamas at niyayapos ay katawan ni Luhan! Diba dapat matigas yung unan dahil sa abs nya pero ba't ganun hehe
"Haha! okay lang kahit nahawakan mo yung abs or kahit anong parte ng katawan ko kasi wala ka naman kasalanan dahil nga tulog ka" ahh ganun, edi pwede ko pa pala mahawakan abs nya kahit tulog ako ikikik.
"Kahit na, nakakahiya kaya at pwede ba mag suot ka na ng t-shirt?" kahit ayaw ko man ay kailangan nya talaga isuot yung shirt nya baka kung sino pa maka kita samin dito eh at pag isipan pa kami ng masama.
"Ang banas kasi, sorry" mahinahon nyang sinabi. Naiintindihan ko naman sya kasi alam ko'ng hindi sya or sila sanay sa klima ng Pilipinas dahil nga mainit dito at sa Korea ay malamig pero may aircon naman dito kaso iba nga talaga pag wala sila sa mismong kinalakihan nila kaya hindi sila masyadong komportable dito.
"Okay lang yun, basta mag suot ka na ha" tinanggal ko ang kamay ko sa mukha at tumingin ako sa kanya na kung saan ay nag tugma ang aming mga mata. Isa lang masasabi ko a-w-k-w-a-r-d.
"I love you" kinikilig ako sa sinabi nya ngayon pero mas kinilig ako nang nilapit nya ang mukha nya at ninakawan ako ng halik sa labi, nilayo nya na ang mukha nya at tumayo para suotin ang shirt nya.
"Tara baba na tayo" waitt lang atat ka eh, kita mo na kinikilig ako dito sa pag halik mo sakin pero hindi patas yun dahil ninikawan mo ako ng matamis na halik. Tumayo ako at binalikan ko sya ng smack kiss, oh diba tie na kami pero hindi ko maexplain yung mukha nya dahil parang nagulat syang ewan haha! nakaka tawa.
"Bumaba ka na, susunod na lang ako" syempre kailangan ko pa mag hilamos dahil nga kakagising ko lang.
"Ah sige, ipag hahanda na kita ng pag kain" tumango lang ako at pumasok na ako sa cr at nag hilamos. May period pa kaya ako? sana wala na. Tiningnan ko ang blenk blenk ko at Yess! wala na! pwede na ako mag swimming, kumain ng mangga at tumalon sa building.
Bumaba na ako at umupo katabi ni Luhan at nag umpisa na kami kumain pero bakit tumahimik ata sila? nikatiting ng boses wala ako marinig, ano kaya meron? matanong nga.
"Guys bakit ang tahimik nyo? mag salita naman kayo oh" pero walang umimik sa tanong ko. Natapos na kaming kumain na sobrang tahimik at ngayon wala ako magawa dahil nga walang matinong tao ngayon dito sa bahay na pwede ko kausapin. Pumunta ako sa practice room at lahat sila ay nandun na nag sasayaw pero nang makita nila akong pumasok ay tumigil sila at lumabas ng room kaya ngayon ako na mag isang tao dito.
YOU ARE READING
My Ideal Woman
Ficção AdolescenteExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]