Robina's POV
Nanood kami ng tv este sya lang pala. Dinadamayan ko lang, nakakaawa eh at isa pa bestfriend ko 'to kaya pumapayag na lang ako sa mga gusto nya. Ano pa nga ba ang pinapanood nya, edi yung ikinahuhumalihan nyang korean boy group na Exo. Ewan ko ba kung bakit nito nagustuhan yung mga yun eh. Parang bakla kaya. Nasa balita kasi ang Exo dahil nga ay nandito na sila sa Pilipinas mag concert. Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa salas at nginangatngat ang unan sa kilig.
Kawawang Rachelle. Walang kaalam-alam sa buong pagkatao nya. Nineteen years old pa lang sya and going to twenty sooner. Mabait at childish nyan sobra, kaya nga mag kasundo kami and I will not kwento kwento our friendship story, sa tagal ba naman ng pagkakaibigan namin eh. But 4 years ago when the car accident happend. Dahil sa aksidenteng yun ay namatay si Tito. Pero mabuti na lamang ay ligtas sila ng boyfriend nya kaya agad ng umuwi si Tita dito sa Pilipinas. Pure korean si tita at may business sya doon sa Korea at sa mga ibang bansa kaya sa akin nya ipinag katiwala si Rachelle. Wala ng natitirang kamag anak si Rachelle.. Only Tito Alfredo.
He's also a bussiness man in Italy. Wine ang business nya doon at paborito nyang pamangkin si Rachelle. Naniniwala din yang babae na yan na nung ipinanganak sya ay may nakaukit sa noo nya na Exo like Harry Potter. Kaya ayan, todo fangirl sa mga K idols nya. Minsan nga ay naiirita na din ako sa kanya dahil sobrang kulit nya. Simula kasi nang nangyari ang trahedyang iyon ay naging isip bata 'to. Naalog ata utak nito noon eh kaya nag kaganto pero mahal na mahal ko pa din yan. Susuportahan ko sya sa gusto nya. Ganyan naman ang totoong magkakaibigan diba? Nag susuportahan sa anumang bagay. Kahit na ayoko talaga ng Exo, hays.
"Robina! Tingnan mo si Luhan! Wahh!! Same ang suot nya sa panaginip ko at ngayon. Hotness overload. Kiyahh" kinikilig nyang sabi. Lumapit naman ako sa kanya na kanina ay nag gagayat ng sibuyas para isama sa pagkaing lulutin ko. Pork steak ang niluluto ko.
"Hindi ka ba nag sasawa dyan?" Tanong ko na ikinaseryoso ng mukha nya. Problema nito?.
"May dinadamdam ka?. Sabihin mo kung sino ang ama nyang dinadala mo" hinawakan nya ako sa kamay ng mahigpit. Tingnan nyo! May sapak nga ang lelang. Nag tanong ako ng maayos tapos yung igaganti nya sakin ay ang nakakalokong tanong din. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi eh.
"Uyy! Wag ka namang ganyan. Nandito ako para damayan ka, kung pwede nga lang ay tatayo ako bilang tatay ng dinadala mong bata eh. Ganun kita kamahal Robina"
"Robina. Ayos ka lang?" Hinawak hawakan nya ang magkabilang mukha ko at tinapik.
"Nakasinghot ka ba?. Kita mong' seryoso ako eh tapos ganyan ka" naiinis kong' sabi sabay balik sa kusina.
"Eh kasi naman yung mata mo namumula" aniya.
"Connect?"
"Wala hehe. Naisip ko lang na baka buntis ka kaya ganyan kapula yang mata mo"
"Porket namumula.. Buntis agad?. Susmaryosep Rachelle. Nag hiwa lang ako kanina ng sibuyas" tumingin ako sa kanya na napa "Ahh" at peace sign. Ipinag patuloy ko na lang ang pag luluto ko ng ulam habang sya ay nanonood pa din ng tv.
"Saan nga lakad natin ngayon?" Tanong ko sa kanya na nag gagayak ng mga plato sa mesa. Tapos na kasi ako magluto kaya tinawag ko na sya at pinaupo dito sa tabi ko. Round table lang itong kinakainan namin para maliit at simple lang. Kaming dalawa lang naman ang gagamit nito eh kaya no need na ang malaking mesa.
"Sa M.O.A nga" sabi nya sabay sandok ng kanin at ulam at ako naman ay nag lalagay ng orange juice sa baso.
"Bakit. Ano meron?" Tanong ko at nag sandok na din ng pagkain. Sa tagal naming magkasama sa iisang bahay ay ako lang ang nag luluto palagi. Hindi kasi sya marunong magluto, kahit mag saing nga ay hindi sya marunong eh. Kaya pinaubaya ko na lang sa kanya ang pag linis ng bahay pero syempre tinutulungan ko din sya.

YOU ARE READING
My Ideal Woman
Fiksi RemajaExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]