Rachelle's POV
Minulat ko ang mga mata ko at nag hikab. "Masarap din pala sa pakiramdam kapag nabawasan ang mga problema mo" pagkausap ko sa sarili.
Nakaramdam ako ng bigat sa katawan dahil sa pagkakayakap nya sakin. Tulog pa pala sya. Pinag masdan ko ang maamo nyang mukha habang natutulog at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay ko.
Nang maka balik kasi ako dito kagabi sa kwarto namin ay nakita ko sya na nag hihintay sa sala. Humingi ulit sya ng sorry dahil sa ginawa nya. Alam ko naman na hindi nya lang napigilan ang sarili nya na puno ng galit kaya nagawa nya iyon kay Sehun. Kaya tinanggap ko na ang pag hingi nya ng sorry sakin.. masyado lang din akong nadala sa emosyon ko kaya hindi ko agad sya napatawad nung una.
Dahan-dahan kong' tinanggal ang braso nya sa akin atsaka ako tumayo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko na syang gising at nakaupo sa kama na nag kukusot ng mata.
"Aalis ka?" tanong nya.
"Ahh oo.. mag lalakad-lakad lang ako pero baka matagalan ako" pag sisinungaling ko sa kanya.
"Samahan na kita"
"W-wag na Luhan. Dito lang naman ako sa beach" nag halungkay ako sa closet ng simpleng dress na above the knee para suotin iyon. Gusto ko naman maging kaaya-aya ang suot ko kapag mag kasama kaming dalawa.
"Kasama mo ba sya?" natigilan ako sa paghahanap nang sabihin nya iyon. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi" maikling sagot ko atsaka pinagpatuloy ang pag hahanap ng damit
"Sana nga" pabulong nya. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinag tuunan ko na lang ng atesyon ang pag hahanap ng damit.
Nang makahanap na ako ay nag madali akong pumunta sa cr at sinout iyon. Pagka labas ko ng cr ay nawala na sya sa puwesto nya kanina. Siguro kumain na yun sa baba.
Sinuklay ko ang buhok ko at nag lagay ng powder sa mukha at konting lipstick. Hindi naman ako mahilig sa makeup kaya ganto lang ang inilagay ko sa mukha.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin "Parang may kulang?"
Hinalungkat ko ang shoulder bag ko at hindi ko pa din iyon nakita. "Asan na ba yun?" natatarantang sabi ko.
"Eto oh" at hinagis nya sa akin at buti na lang ay nasalo ko ito.
"Thanks" kinabit ko na ang kwintas sa leeg ko at ngumiti. Ayan! ayos na.
"Kahit kelan talaga.. bakit ba masyado mong pinag hahandaan yang lakad mo?" tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
"May hindi ka ba nasasabi samin?" nag tatakang tanong nya. Humarap ako sa kanya.
"Importanteng tao kasi sya" sinuot ko na ang sandals ko at tumayo.
"Importanteng tao?" ngumiti sya. "Ahh I get it"
"Sige aalis na ako. Pasabi na lang kay Luhan na umalis na ako ha. Bye" hindi ko na inintay ang sagot nya at lumabas na agad ako ng pintuan.
Pagka labas ko ay saktong nandito na din sya at nag hihintay sa akin. Nagulat sya sakin at bakas sa mukha nya ang pagka mangha sa suot ko.
"Hmm.. kanina ka pa ba?" tanong ko. Baka kasi nag intay sya ng matagal.
"Hindi naman" ngumisi sya at nag salita ulit. "Ang ganda mo babe"
Bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti. Buti naman napansin nya. Teka.. ano bang pinag sasabi ko? hindi ako nag ayos ng maganda para sa kanya kundi para maging kaaya-aya ang itsura ko ngayong mag kasama kami. Ayoko naman mag short lang noh.. baka mag mukha pa akong ewan.

YOU ARE READING
My Ideal Woman
Novela JuvenilExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]