Luhan's POV
Ilang araw na ang lumipas ng sabihin ko sa kanya ang kasalanang bumabagabag sa isip ko. Fuck!. hanggang ngayon ay hindi ko sya macontact. Nakailang beses na din akong pumunta sa bahay nila pero puno ito ng mga armadong lalaki at pinag babawal akong pumasok pero hindi pa din ako sumusuko. Gusto kong' mag paliwanag sa kanya.
Nakatayo ako dito sa labas ng gate nila habang nakatingala sa bintana kung saan ay doon ang kwarto nya.. kung hindi ako nagkakamali. Sana dumungaw ka.
"Sir, umalis na po kayo kung ayaw nyo ng gulo" boses ng lalaking nag babantay sa bahay nila.
"Hindi ako aalis hanggat hindi ko sya nakakausap"
"Pero ilang beses ko na nga ba sinabi sayo na hindi mo sya magagawang kausapin" lumapit ang isang lalaki at kinuwelyuhan ako.
"Ano, aalis ka ba o hindi?" nakangisi nyang sabi.
"Hindi"
"Aba't puta to ah!" nakita ko ang kamao nyang nag pipigil suntukin ako. Pero biglang lumabas ang nanay nya.
"Leave us alone, just cheack my daughter upstairs" sabi nito at agad namang umalis ang mga guard.
"Hindi ka ba naawa sa sarili mo?" tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "I think.. no" nag tanong pa!.
"Hindi ikaw ang gusto kong kausapin kundi si Ra.."
"Matapang ka pa din ha?. Ano ba ang ipinagmamalaki mo ngayong wala ka ng pera?. Oopss. meron na pala, padating na. Babalik ka nga pala sa Exo. I hope may babalik din sayong fans" pang aasar nitong sabi pero hindi ako nakasagot.
"You know what.. you're already in news" news?. hindi pa ako nakakapanood ng tv dahil iniisip ko lang ay si Rachelle.
"Wait, I'll going to call our nanny" nag dial sya sa phone nya. "Hello.. Yes, pick the news paper in sala... Aha.. Now" matapos nyang kausapin ang nasa kabilang linya ay agad na lumabas ang yaya nila dala ang dyaryo at ibinigay sa akin.
"Ito po Sir" kinuha ko iyon at nakita ang balitang tungkol sa akin.
Tungkol sa aksidenteng hindi ko sinasadya. Damn this life!.
"Alam na ng mga tao ang kagaguhang ginawa mo. Nang dahil sayo ay nangulila sa ama ang anak ko at nang dahil sayo ay nasira ang relasyon na itinatago ni Sehun at ng anak ko. Masaya ka na ba?. Nasira mo na ang buhay ng anak ko. Nawalan sya ng memorya nang dahil sayo!. Sa tingin mo.. gusto ka pa nya makita?" galit na galit nitong sabi. Oo alam ko na hindi nya ako mapapatawad pero sana bigyan nya ako ng oras kahit sandali lang para makapag paliwanag.
"Umalis ka na kung ayaw mo ipaaresto kita" wala na akong nagawa at tumalikod. Tandaan mo babalikan kita Rachelle.
"Hmm. by the way.. hindi ka ba mag papasalamat?. Kasi hindi kita ipanakulong. Pero alam mo yang mga ganyang kriminal ay dapat ikinukulong" gusto kong makasagot sa kanya pero may respeto pa din ako sa kanya. Kaya hindi ko na lang sya pinansin at sumakay sa kotse papunta sa Sment.
Pagka dating ko sa practice room ay lahat sila sumasayaw. Nung isang araw lang ako nag umpisang magpaturo sa mga steps at lahat sila ay masaya sa pag babalik ko pero ang isa ay hindi. Hindi kam nag uusap at may mainit na tensyo sa pagitan naming dalawa.
"Late ka na." sabi ni Suho na nakatayo at nakatingin sakin.
"May ginawa lang ako"
"May ginawa ba o may pinuntuhan nanaman para mag makaawa?" nakangising pag singit ni Sehun sa pag uusap namin ni Suho.
"Itigil nyo na nga yang dalawa. Diba nagkasundo na kayo na labas yang pag tatalo nyo dito sa grupo" pumunta na ako sa puwesto ko sa sayaw at nilapitan ako ni Xiumin at binulungan.
YOU ARE READING
My Ideal Woman
Teen FictionExo, ang pinakapatok na kpop group sa mga kababaihan. May labing dalawang miyembro na kinahuhumalingan ng lahat. Pero paano kung ang ideal woman ng isang miyembro dito ay isa sa fan nila? may posibilidad kayang mahulog ang loob nya rito? [EDITING]