Isabel POV,
Tingin sa kaliwa,tapos tingin sa kanan.Walang tao,takbo na Isabel baka mahuli ka ni Harris.
Mabilis akung tumakbo at walang lingon-lingon.Kasi naman late na ako.Tapos,kapag nahuli pa ako ng poging boyfriend ko lagot ako.Hindi na ako maka chansing sa kanya.
"Cortez your late!"napangiwi ako sa sigaw ng prof ko.Nam,Bel malamang sisigawan ka talaga.
"Sorry na prof,nag overtime kasi ako sa trabaho ko."palusot.Talaga namang may trabaho ako,isa akung waiter sa cake shop.
"Last na to Cortez!"singhal nito.Tumango naman ako at umupo na sa upuan ko.
Will,ako nga pala si Isabel Cortez,isang college student sa pinakasikat na university sa buong mundo.Isa sa pinakamayaman sa buong mundo ang may-ari nito.Pera ang gamit para makapasok dito.Will,ako utak ko ang ginamit ko.Scholar kasi ako dito.Wala na akung parents patay na sila.Ako nalang ang bumubuhay sa sarili ko.
Isa akung surgeon someday.At,sa maniwala kayo o hindi boyfriend ko ang may ari ng school na ito.Si Harris Kerr Evans,two months na kami at mahal na mahal ko siya.
Syempre niligawan niya ako,tatlong buwan kaya siyang nanligaw sa akin.Pinahirapan ko,syempre hard to get ako.
Boreng ang klase,lalong kabisado ko ang lesson ni Sir eh.Scholar nga ako dito,malamang matalino ako.Kaya kahit na matulog ako dito hindi magagalit ang Prof ko,kasi kahit itanong niya sa akin lahat yan masasagot ko.Hangin ko no?pero totoo yan ha.Ang taas kaya ng IQ ko pang genius.
"Bel,pumunta kanina dito si Harris,hinahanap ka."napalingon ako sa nagsalita si Kesha kaklase ko.
"Anong sabi?"tanong ko.Nako,baka galit na naman ang babe ko.
"Wala naman,basta hinahanap ka."sagot nito kaya tumango nalang ako.Dahil sa wala akung nagawa nag drawing nalang ako.Hanggang sa matapos ang klase wala akung ibang ginawa.Ng magsilabasan na ang ibang classmate ko nagligpit na din ako.Yes!
Recess na.Napangite naman ako.Mabilis akung lumabas ng room at tumakbo papunta sa canteen.Ang liit pa ng palda ko,kulang nalang makita ang pwet ko sa ikli.At hindi ako sumusuot ng hills naka sneakers ako.Diba,ang cool ko.Hanggang balikat lang ang buhok ko.
Pagpasok ko ng canteen isang malamig na apple juice ang sumalubong sa akin.Sayang ang apple,favorite fruit ko siya at orange .
Napasalampak naman ako sa seminto dahil na din sa pagkadulas ko.Huwag kang iiyak Bel baka magwala ang jowa mo kapag nalaman niya to.
Kaagad naman nagbulungan ang mga tao sa paligid.Pero,masakit talaga ang pwet ko.Tiningnan ko kung sino ang salarin,walang iba kundi ang babaeng nerd na halos mamutla na sa takot,hindi pa ito makapagsalita.Natakot siguro na ako ang nakabangga niya.
"What the hell!"napangiwi ako ng marinig ko ang boses ng boyfriend ko na umalingawngaw sa buong canteen.Walang,nagsasalita sa kanila.Takot lang nila kay Harris na basketball captain at ang gwapo niya ha.
"Sino ang gumawa sayo nito?"napalunok pa ako,pumikit ako ng maramdaman ko na hinila niya ako at niyakap.Ang sweet
"Babe,aksidente lang.Tumakbo kasi ako tapos nagkabungguan kami."malambing sa sagot ko tapos umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumite.
"Manyak na nga,tanga pa."saad nito at pinitik ang noo ko.Pinukol ko nga ng masamang tingin."The show is done,umalis na kayo!"sigaw nito kaya nagsialisan naman ang ibang students.
"At ikaw,halika na."sabay hila sa kamay ko,pero binawi ko ito.Pinukol naman niya ako ng masamang tingin.
"Ayaw."sagot ko at nagpa cute.Iba ang pagkakasabi ko ng ayaw,ang cute ko kaya kapag nagsalita ako ng ayaw.
BINABASA MO ANG
Torturing my Maniac Girlfriend
RomanceIsabel Cortez is a very maniac girl. Lahat ng pwedeng galawain nagalaw na niya. Love, hatered, sacrifice, lust, makingout, everyone said that love conquer, but when the world turn up side down everything is change. SPG II R-18 II