Chapter 11

1.4K 34 17
                                    

Isabel POV,

Pasalampak akung umupo sa damuhan dito sa sementeryo, ng makalabas ako sa bahay nila dumeritso ako sa sementeryo. I want to visit my parents.

Tiningnan ko ang dalawang lapida at mapait na ngumiti. Hindi sila na aksidente o namatay sa sakit. They are assassinated, yes namatay sila dahil doon.

Ang Lolo ko ay isang assassin sa Japan at China, sikat siya na mamamatay tao. Hanggang sa yumaman siya dahil sa binabayad sa kanya.

Hanggang sa nagkaanak siya at si mama iyon, pinasunod niya sa yapak niya si Mama. Naging assassin ang mama ko, hanggang sa nakilala niya si Daddy. Isang pilot ang Daddy ko, dahil sobrang mahal niya si Mama nag training ito at naging isang assassin rin.

Hanggang sa maisilang kami, nang magkautak ako, at kaya ko ng alahanin ang nakaraan ko habang bata pa ako, nakikita ko sina Mama na pumapatay ng tao, walang awa si Mama.

Limang taong gulang ako, nasanay na ako na may namamatay sa harapan ko. Kasama ko rin sina Kuya, kaya nga sobrang close namin noon dahil mas nakakasama ko sila kaysa sa Mama at Papa ko.

Hanggang isang araw nabalitaan nalang namin na namatay na sila kasama si Lolo na matanda na at kalalabas ng ospital. Pitong taong gulang  na ako noon.

Walang kumupkop sa amin, napunta kami sa ampunan, at doon na ako iniwan nila Kuya. Doon na bumukas ang takot ko, doon ko lang napagtanto na wala na pala akung kasama. Sa edad pitong taon iniwan nila ako.

Nagmakaawa ako na huwag nila akung iwan, pero umalis parin sila. Kaya tumatak sa isip ko ang umalis kana at leave me alone! Ikaw ba naman ipagtabuyan ng ilang beses at isigaw sa mukha mo ang salitang iyan.

Minaltrato ako sa ampunan. Walang may gusto sa akin, palagi akung pinapa-alis at tinataboy. Doon na ako nagkaroon ng anxiety attack. Nawalan na ako ng pamilya, iniwan ng mga kapatid ko, minaltrato sa ampunan, tinataboy ng mga tao.

Tiniis ko iyon hanggang sa maka graduate ako ng grade six, lumayas ako ng ampunan. Binuhay ko ang sarili ko, at hindi ko alam kung paano ako nabuhay at nakapag-aral ng high school. Nakakuha ako ng scholar at sa school ako natutulog. Ang trabaho ko naglilinis ng library, kapalit ng pagkain at damit na bininigay ng mga guro sa akin.

Hanggang sa maging college ako, at nakilala ko ang best friend ko, si Hairy Kiara at Asheriey. Ng matapos ako high school naghanap ako ng scholar ship. And here I'am right now. Still studying to become a cardiosurgeon.

"Hey, Mama." pilit ngiting binigay ko sa lapida niya. How I miss my mother.

Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa ulap.

I miss you Harris. Sana nandito ka para damayan ako, para ipaalala sa akin na nandiyan ka lang para tulungan ako.

Pero alam ko naman na hindi sa lahat ng oras nandito ka. May sarili ka ring buhay para ipaglaban. Alam ni Harris ang tungkol sa pamilya ko. Kaya ayaw niyang sumama ako sa mga Kuya ko. Talagang ayaw ko.

Kahit hindi sa akin sasabihin ni Harris alam ko na maraming letter na siyang natanggap sa mga Kuya ko. At death threat iyon.

Hinayaan ko ang luhang tumulo at mapait na ngumiti. Masaklap nga talaga ang buhay ko. Si Harris lang ang dumating sa buhay ko na naging masaya ako. Lahat ng pamilya ko mamamatay tao, siguro ako darating din ang araw na makakapatay ako kapag ginalaw nila si Harris.

Napabalikwas ako ng tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko ito sa bulsa ko at tiningnan ang tumawag.

Mabilis sumupil ang ngiti sa aking mga labi. Only Harris can make me smile like this.

"Yes, babe?" malambing na sagot ko sa kanya, narinig ko naman sa kabilang linya ang munting tawa nito.

"I love you babe, and I miss you." sagot nito sa akin na nagpatigil sa pagngiti ko. Bakit ganito ang boses niya, halatang malungkot eh.

"Is there a problem babe?" tanong ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya.


"Nope, na miss lang kita. By the way nasaan ang queen ko?" hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kanina, bagkus ay ngumiti ako sa sinabi niya.

"Nasa sementiryo ako babe." saad ko na may nakakalukong ngiti. May narinig akung nabasag at sunod-sunod na mura sa kabilang linya.


"Fuck Isabel! Ano ang ginagawa mo diyan? Baka makita ka nila at kunin! Umalis kana diyan right now!" napangiwi ako sa sigaw niya sa kabilang linya kaya nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko.

"I'm just visiting my parents babe." depensa ko sa sarili ko. Masyadong OA naman ng lalaking ito.


"Babe, ayaw kung mawala ka sa akin." sagot nito sa kabilang linya. Kung may anxiety attack ako si Harris naman paranoid.

"Paranoid ka lang kamo." sagot ko sa kanya at hinaplos ang lapida ni Mama. Masyadong paranoid ang son in law mo Mama.

"Isabel, please. I'm sorry kung pinapaalis kita agad, pero sadyang mahal lang kita. I can't afford to lost you. Fuck! Sana hindi nalang ako umalis." mura nito sa kabilang linya na nagpataas ng kilay ko. Here we go again.


"I love you babe." malambing na saad ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga nito.


"I love you too, now go home Isabel." ito na naman tayo, hindi ko naman masisisi si Harris, mahal niya ako eh. At mahal ko naman siya. I really do.


"Ayaw." I answer and smile. Alam niyo na ang tuno ng pananalita ko.


"Isabel." seryosong saad sa akin ni Harris. Natakot naman ako, note the sarcasm please.


"Isabel is present babe." nakakalukong sagot ko sa kanya. Malamang nakakunot na ang mga noo nito. Pasaway ba akung girlfriend? Kasi para sa akin oo.


"Isabel go home!" singhal niya sa akin sa kabilang linya, tangina! Pakiramdam ko natanggal ang eardrums ko. Ang lakas kasi makasigaw.



"Ayaw!" sigaw ko rin sa kanya sa kabilang linya.


"Isabel." iba na ang tono ng pananalita nito, kahit sino matatakot. Pakealam ko.

Binaba ko ang cellphone ko at tumingin sa langit. Actually aalis naman ako, kailangan ko lang talagang ibaba dahil ang mga alagad ng lintik kung kapatid nasa paligid ko. Ano na naman ba ang kailangan nila. Gusto talaga nila ng away!


"Ano na naman ang kailangan niyo na mga lintik kayo!" sigaw ko sa kanila! Ang pinaka sa gitna ang tiningnan ko ng masama.


"May sasabihin sila sayo Young lady." magalang na sagot niya sa akin. Napakuyom ako ng kamao ko, fucking elements!



"Fuck them!" sigaw ko at umalis sa kinalalagyan ko. Tinungo ko ang itim na kotse kaya mabilis nila itong binuksan ng parating ako. Talagang pinapainit nila ang ulo ko! Putangina nila!



------------------------------------------------------------

Author's Note

Here's the update. Sorry anyway. Enjoy reading! The conflect of the story is starting, ano kaya ang gagawin ni Isabel?






#L.L.Quin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torturing my Maniac GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon