Chapter 5

1.3K 28 0
                                    

Isabel POV,

Isang masakit na tingin ang pinupukol ko kay Harris habang nakatayo ito sa harapan ko.Nandito kami sa shed at nakatambay.Ang ibang kaibigan naman namin nakatingin lang sa amin.

"Babe,I have no choice."rason nito.Napakamot pa ito sa batok niya.

"But,you have to kiss the girl in that play!"sigaw ko sa kanya.Ito kasi ang napili na prince sa play na gagawin sa school.

"A peck on the lips only."saad nito.Napakuyom ako sa sinabi niya.Kahit pa peck lang yon!Masakit makita ang mahal mo na may hinahalikan na babae!

"Mag-usap nga kayo ng mabuti."reklamo ni Ash kaya pinukol ko ito ng masamang tingin.Isa pa to eh,siya ang nag lagay kay Harris sa play na iyon!

"Basta ayoko!Hindi ako papayag!"frustated na sigaw ko,malakas nga talaga ang pagkakasigaw ko kasi napalingon ang ibang students sa amin.

"It's just a kiss bess."saad naman ni Kiara.

"I don't care!Kapag may humalik na babae kay Ash tatawa kaba!"wika ko sa kanya at tinaasan ito ng kilay.Napalunok naman siya.

"Hell no!"sigaw nito.

"Then no!"sigaw ko at humarap kay Harris na naka poker face.

"Isabel."pagbabanta nito sa akin.Alam ko naman na childhood friend niya iyong babae,at alam naman niya na patay na patay ang haliparot na yon sa kanya.

"Ayaw!"sigaw ko.Wala na akung pasensya para mag pa cute.Basta hindi ako papayag!

"Magpahalik ka sa kanya at maghahanap ako ng ibang lalake!Basta hindi ako papayag!"singhal ko sa kanya at nagpapadyak sa shed.Napa-iling naman sa akin sina Nick dahil sa inasal ko.Alam naman nila na sobrang selosa ako.

"Let's talk."saad nito at hinila ako.Pinabayaan ko siya na hilahin ako.Basta hindi ako papayag na gawin niya yon.

Selfish man ako,pero gusto ko akin lang si Harris.Sobrang mahal ko siya kahit na nakakasakal na.Hindi ko lang talaga kaya na gawin niya iyon.Akin lang siya!

Napadpad kaming dalawa sa parking lot.Ipinasok niya ako sa kotse niya,ng makaupo ako umikot ito para makapasok.

"Isabel."panimula nito.Kinagat ko ang labi ko para hindi ako umiyak.Mababaw akung klaseng babae,pagdating kay Harris tiklop na ako.

Natatakot ako,kasi naka basi na sa kanya ang kasiyahan ko.Nabuhay ako na wala siya,pero hindi ko na kaya na wala siya.

"Isabel,intindihin mo ang sitwasyon ko.Gusto ko mang humindi pero hindi na pwede.Nalaman na nina Mom at Dad at manunuod sila.I hope you understabd babe,you trust me right?"hindi ko kumibo habang nagsasalita siya.Alam na pala ng parents niya.Wala na akung magagawa pamilya niya eh.

"Isabel,talk to me."saad pa nito at hinawakan ang kamay ko.Tinabig ko ang kamay niya at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.May magagawa pa ba ako?Girlfriend lang ako.

"Isabel!"medyo napalakas na ang boses nito.As if naman takot ako.

"Ayaw."with my favorite accent and tone.

"Answer me."usal pa nito.

"Ayaw."

"Isabel!"

"Ayaw."

"Isabel!"

"Ayaw."

"Isabel!"

"Ayaw!"

"Stop Isabel!Mukha ka ng bata!"halata sa boses niya na galit na ito.Pero hindi ako nagpapigil.

"I wanna go home."cold na saad ko at binuksan ang pinto ng kotse niya tsaka lumabas.

Torturing my Maniac GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon