Chapter 2

440 10 0
                                    

The Anatomist: My Boyfriend And His First Love II ( Revised )
By: Tink

Tink: Please send request and comment down for tagging thank you!

~Chapter 2~

Psychos. Ang naging tahanan niya.

Itinapat niya ang kaliwang mata sa eye scanner, then the invisible laser installed from the door turned off.

Kusang nagbukas ang pintuan.

Bumungad sa kanya ang puting kuwarto kung saan dalawang taon na niyang binabalik balikan. Ang apat na sulok ng kuwartong dumamay at naging saksi sa kanyang pagbabago.

Computers, cameras, at makabagong satellites ang mga nagsisiksikan doon.

Sinipat niya ang sarili sa salamin, ang laki ng kanyang pinagbago, mula sa pagiging simpleng doktora, hanggang sa maging anatomist sa samahang ang kanyang ina ang nagtatag.

She's now aware of their vision. Killing is healing.

They have to kill people to heal the world. Ang mga pinapatay nila?depende sa mga nakalistang pangalan, depende sa dami ng kasalanan, depende sa dami ng nasaktan at depende kung dapat pa bang mabuhay ang isang tao.

Naging ganid si Uncle Peter and Sheena. Ang huli ay tuluyan ng tiniwalag ng Psychos. They have to follow their vision. At si Sheena ay isang lamat ng samahan.

Isa na siyang Anatomist dito, kinukuha nila ang ibang batang gustong sumama sa kanila, tinetrain upang maging makapangyarihan, upang maging tagakitil ng buhay ng mga palalong mga tao.

Ang yaman ng Psychos ay sa US Secret Organization nanggagaling, at hindi lang Pilipinas ang kanilang pinupuntahan kundi sa iba't ibang panig ng mundo. Ito rin ang nagtatalaga kung sino ang papatayin at kung sino ang tatanggapin sa Psychos. This Secret Organization views Crimes through Satellite. Hindi sila Anti Christ o anu pa man, they were human hoping to build a New World, a New Society on which even Aliens will not be able to Conquer. A world with Peace and Justice.

Nagtuloy siya sa isang napakaluwang na opisina. Dumiretso siya sa silya kung saan sa harap nito ay isang lalaking kasing edad ng kanyang ina.

" Kris, your back" seryosong saad ng lalaki.

Ito si Mr. Hiro, isang half Japanese, half Filipino. Ang namamahala sa Psychos, after her Mom. Isa ito sa mga nalungkot ng mamatay ang kanyang ina. This man, killed Uncle Peter.

" Another excellent job Kris, napakalinis at napaka bilis ng ginawa mo, ayaw kong sabihing proud ako sayo, what you did is against Gods Law, pero isipin mo ito, that filthy man deserve it."

Si Mr. Hiro, isa sa mga mentor niya sa Psychos ay hindi nakaliligtaan sabihan siya tungkol sa Diyos, sa pagrespeto ng buhay.

" Tandaan mo this Organization was built to kill the killers, abusers, at iba pang mga masasamang taong nagiging VIP ng gobyerno." naalala niyang ika nito minsang nag uusap sila.

May kunsensiya pa siya?, oo, pero kailangan niyang maging matatag, kailangang huwag papatalo sa awa.

One thing stops her to kill?yung pagtitig sa mga mata ng taong papatayin niya.

Sa samahan kanya kanya silang paraan ng pagpatay, mayroong sniper, mayroong gumagamit ng dahas, mayroong gumagamit ng dagger, at siya gumagamit ng gamot.

Hindi din direktang pinapatay ang isang tao, binibigyan ito ng pagkakataong ituwid ang mga kasalan, pero malas nila kapag si Sniper ang papatay. Malayo at hindi nakatitig sa mga mata ng tao.

Pero siya sinisigurado niyang buhay ang mga magiging biktima niya, she wanted them to realize their mistakes. Katulad ng Coast Guard Official.
Isa itong rapist killer.

The:Anatomist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon