Chapter 17

252 8 0
                                    

The Anatomist: My Boyfriend and His First Love

By: Tink

Chapter 17

Small World, sinadya o serendipity man iyan.
Ang dalawang taong itinakda ay hindi na pwedeng paghiwalayin, gagawa ang tadhana ng paraan, nakatali man iyan o hindi.

Madaling nagtungo sa hospital si Kris hoping to see her bestfriend at ipa admit si Cassey ngunit isang masamang balita din ang sumalubong sa kanya.

Luis has been abducted.

Nawawala ito, tanging sasakyang bukas na lamang ang nakita ng security guard sa parking lot.

Huling nakita ito ng umagang mag la log out ito mula sa duty.

Hinayaan niyang iasista ng doktor at nurses si Cassey sa Emergency Room, tinawagan niya sina Jeric.

Ang bagay na ito ay hindi niya kayang ipaubaya sa kinauukulan. She have to deal with it alone.

Bakit nadamay si Luis?

Sa sasakyan ni Luis, isa iyong blue toyota altima, dati naiinis siyang sumasakay dito now she misses him.

Pumasok siya sa loob and tried to figure out why Luis is missing. Ngunit paghawak niya ng manibela at pagtingin niya sa harap kung saan naroon ang mga metro, naroon ang isang larawan.

Hindi niya mapigilang tumulo ang mga luha niya. Is it too late?
Kung kailan gusto na niyang ipaglaban si Luis saka naman ito mawawala?
Ang college picture pa niya iyon at unang nakita niya iyon doon mismo sa kinadidikitan nito.
Hindi inalis ni Luis, o hindi man lang tinapon, she can't imagine the pain in vain.

Pareho silang nasaktan,parehong nawalan ngunit hindi nila pinaglaban ang pagmamahalan, tumalikod sila sa isa't isa.

Hinaplos niya ang manibela animo'y naghahanap ng sagot.

Kung naglog out pa ito maaring hindi pa iyon nakakalayo.

She dialled Luis' number, ilang beses itong nagring bago sinagot.

Halos pabulong na sumagot si Luis, he is struggling or doing something that made her creep.

" Luis nasan ka?ligtas ka ba?please tell me where you are!" sunod sunod na saad niya.

Pinagpapawisan siya. Ang taong mahahalaga sa kanya ay nawawala.

" Kris-ikaw ba yan?, thank God your okay, I love you Kristianè what ever will happen to me remember that I love you so much, that I didn't deceive you." boses nito'y garalgal. Parang bigla itong naiyak ng marinig ang boses niya.

" Tell me where you are!" nag aalalang saad niya.

Nakita niyang paparating sa kinaroroonan niya sina Jeric, kasama ng mga ito ang mga bagong Anatomist. Pinunas niya ang mga luha ngunit hindi niya maiwasan ang umiyak.

" Kris please don't cry, okay na sa aking iniiyakan mo ako, okay na sa aking nag aalala ka. Im sorry a lot"

Nawala sa linya si Luis na siya namang pagdating ng tatlo. Kunot ang mga noong naglakad patungo sa kanya, bumaba siya upang kausapin ang tatlo.
Mabilis na lumapit sa kanya si Jeric, hugging her tightly.

" Kris tama na, hindi umiiyak ang Psycho huwag kang manghina, since you entered here alam mo na ang mga kapalit, ang paglagay sa kapahamakan ang mga taong nakapalibot sayo"

Tumango siya, kung hindi lang to mukhang seryoso kanina pa niya nilagutok ang leeg nito.

Magkasama nilang pinuntahan si Cassey, nasa kuwarto na ito at kasalukuyang umiinom ng tubig.
Now she's on hospital gown, magulo ang buhok at mamula mula ang mga mata, nangingitim din ang paligid ng kaliwang mata, putok ang bibig at may bali sa kanang kamay.
Madali siyang lumapit.

The:Anatomist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon