The Anatomist: My Boyfriend and His First Love
By : Tink
Tink: May nawindang ba ako sa inyo? Nirereply ko mga comment niyo eh..
Love affair, ang susunod kong pagkakaabalahanTeka si Dok Kris bumigay na, anjan na pala yung totoong kontrabida na feeling bida.
Chapter 15
Konting panahon na lang, pagkatapos na ikatlong tungkulin at si Paul ang susunod maari na siyang humarap kay Ulo, at tatanggapin niya anu man ang kaparusahan niya.
Si Uno, walang patawad at tuwid ang panghuhusga paano kung ang kapalit niyon ay tulad ng karaniwang Psycho? Ang kamatayan.
Hindi maalis sa isip niya ang init ng yakap ni Luis, at bumalong muli ang mga luha niya, kung buhay siguro ang anak nila'y magkasama pa sila.
Habang daan ay tinawagan niya si Sheena, kung ano ang impormasyon tungkol kay Twinkle.
Ayon dito wala na itong ina, nagiisang anak, at anak ng isang Doktor. Namatay ang ama nito sa loob mismo ng bahay, ayon sa imbestigasyon overdose of Methamphetamine, and his daughter which is Twinkle suffered from Psychosis, she witnessed how her father committed suicide.
Napapatango siya habang kausap si Sheena sa phone.
" At..." nabiting saad nito.
Nasa harapan na siya ng kanilang bahay, binubuksan na ni Britanny ang sasakyan, nakangiti pa itong tumango sa kanya.
Inirapan niya ito, ngunit tumakbo ito at sinalubong siya.
" Sheena?" Takang tanong niya.
She can hear the baby, maging ang boses ni Toti na nilalaro ang bata.
" You better come over here. You should check her records, ninakaw ko lang ito saPsyche Department, hihintayin kita."
Napatulala siya, anong sikreto meron si Twinkle at bakit gusto siyang patayin?
Nagmamadali siyang bumaba, she have to carry some stuffs and magshoshower na din bago pumunta kina Sheena.
Natigilan siya ng may makitang nakatitig sa kanya si Britanny, napakalalim at tila siya kakainin. Her heart leaped." Brittany?" tawag niya.
Still nakatitig sa kanya ang bata. Wari'y gusto siyang sugurin at lapain.
" Britanny! Whats happening to you?" napaatras siya.
Itinulak siya ng bata dahilan upang mahulog siya at humalik sa semento.
Galit siyang napatingin dito, but the girl laid beside her to her surprise." Britanny!"
Hindi ito gumagalaw ng tawagin niya." Britanny" ulit niya.
Tanging nakikita lamang niya ay ang likod nito, hinila niya ang kamay ng bata upang iharap sa kanya, but her beautiful dress were stained by her own blood.
Kinabahan siya, pikit ang mga mata ng bata, she think how the bullet penetrated to her abdomen.
Binuhat niya ito at sinakay muli sa kanyang kotse, sinabihan niya si Aling Josi na tumawag ng Pulis, at sundan siya sa Hospital.
She called Sheena at parating na din ito.
" Britanny hold on, were almost there"
Kinuha niya ang hand towel sa kanyang gilid at tinakpan ang sugat, ipinatong niya ang dalawang kamay ng bata sa tuwalyang hawak. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo.
Habang buhat niya ang bata, naroon na sa Emergency Room si Sheena, all things are prepared. Isinakay niya sa stretcher ang bata at idineretso sa Operating Room.
BINABASA MO ANG
The:Anatomist
Mystery / ThrillerNEW STORY* The Anatomist : My Boyfriend and His First Love 2 by: Tink Teaser Ang kasalukuyan ay resulta nang pagkakataon, nang panahon, nang walang hanggang pakikipagbuno kay kapalaran. Tinanggap niya ang tungkulin bilang isang Anatomist, katumbas n...