Chapter 7

278 8 0
                                    

The Anatomist: My Boyfriend and His First Love 2

By: Tink

Tink : ako'y nag iingat kay Dok Kris.

Chapter 7

Decalogue 7 : Though Shalt not kill.

Isang mahigpit na batas mula sa Diyos. Pero madaming buhay ang nasasayang, buhay na nauwi sa pagkabigo at paghihinagpis. But being a Psycho, killinh isnt a crime but bringing freedom from agony, poverty and maltreatment.

They are licensed to kill.

" Sasama po ako ate Dok" humahangos na hinila ng batang si Brittany ang kanyang suot na black longsleeved.

Panonoorin niya kung paano susugurin ni Cassie si Judge Lorenzo. Sasaksihan niya kung paano mamatay ang taong salot sa lipunan. Ibang Kristiané ang naroon, kakakitaan ng suklam at katalinuhan.
She get ready sa oras na pumalpak si Cassie nasa likod lang siya nito.

Nagset up siya ng micro camera direktang makikita niya sa kanyang cellphone, nakalagay ang mga iyon sa hairpin at hikaw ni Cassie, at malapit lang siya sa babae sakaling kailanganin nito ng tulong. She's three minutes away from the church pew.

Naamazed siya kay Cassie, walang pag aalinlangang mauna at first she doubt, pero naisip niya paano matututo ang mga ito kung siya mismo hindi bilib sa abilidad nila.

Pinasakay niya si Brittany, ang dalawang lalaki naman ay nasa backseat, sinulyapan niya ang mga ito sa salamin, si Paul ay tahimik na nakatingin sa labas habang si Tim naman ay nakangiting nakikipagharutan kay Brittany.

" Kris gusto mo bang ako ang magmaneho?" si Paul, nakatingin na ito sa kanya.

Teen ager ang mga ito ngunit ang pag iisip ay sobra pa sa IQ, mga taong hindi nalalamangan at mababangis. Mga taong punom puno ng galit.

" Ako na lang Paul."

Kung titignan mga ordinaryong magkakapatid lamang sila, napansin niya tumigil ang minamaneho ni Cassie sa harap ng isang simbahan.

Nakaparada din doon ang sasakyan ni Judge Lorenzo, ang lalaking hindi na dapat pang binubuhay.

Ipinarada din niya ang kotse, this time kita niya sa kanyang cellphone ang ginagawa ni Cassie.

Mabilis ang paggalaw ng camera, marahil mabilis ang naging lakad ni Cassie.

She can see the altar as well as the preacher.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang malaking krus, mga kandila at mga bulaklak na nakalagay sa altar.

He pictured Jesus Christ kung saan pinahirapan at pinako sa Krus.

" Though Shall not Kill" isa iyon sa mga bilin ng Panginoon, hindi niya alam ang ibig sabihin niyon, ibig bang sabihin hayaan at huwag patayin ang mga palalong tao? Ibig bang sabihing pagkatapos bigyan ng pagkakataong magbago at hindi iyon natupad hindi pa din ba sisingilin?

Kung hindi kailan? She might be sent to hell later but she will make sure that people will taste justice, once atleast by her and Psycho they lessened crime.

...................................................
Cassie's POV
__________________________________

Walang maramdaman si Cassie habang palinga linga sa simbahan.

Fifty five year old Judge Lorenzo is seated on the right pew near the altar, may hindi kalakihan ang simbahan, ang mga tao ay may kanya kanyang paraan ng pakikinig ng sermon.

Mula sa kanyang kinatatayuan kumpiyansa siyang naglakad patungo sa kinauupupuan ni Judge Lorenzo.

Walang kibong umupo siya doon, sa kaliwang side ng matanda.

The:Anatomist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon