Chapter 9

286 11 0
                                    

The Anatomist: My Boyfriend and His First Love 2

By: Tink

Chapter 9

" Kris, please learn to forgive"
Si Sheena habang karga ang baby nito.

Sa tuwing magulo ang kanyang isip, sinisilip niya ang cute na baby ng kaibigan. Hanggang ngayo'y hindi pa din nila kilala kung sino ang may kagagawan ng lahat.

Mabuti na lang at walang naging epekto sa kanilang mag ina ang nangyari maliban na lamang sa scars ni Sheena.

" Don't sermon me about that, I hate that word, isa kang ex Psycho alam mo iyan." umiwas siya ng iabot ng kaibigan ang baby.

Nababalot ito ng lampin at parang kay bangong amuyin, kay lambot yakapin, but she refused to hold, parang kasing napaka vulnerable nito yet nagagawa nitong pangitiin siya.

" Bes, sana-" hinawakan ni Sheena ang kanyang kamay, ngunit mabilis siyang lumayo dito.

" I love you Sheena, nasan man ako ngayon kagustuhan ko iyon, huwag kang mag alala, huwag mong sisihin ang sarili mo."

Napaluha si Sheena.

" Patawarin mo ako Bes, kung pwede ko lang ibalik ang lahat ibabalik ko, patawarin mo si Pio, at si Daddy"
Ang tinutukoy nitong Daddy ay ang nakagisnang ama ni Sheena, ang Uncle Jhon na kapatid ng kanyang ina. Simula ng matapos ang lahat, nawala na din itong parang bula.

Walang kabuhay buhay ang ngiting ginanti niya. Buhay na niya ang Psycho at wala na siyang magagawa. The responsibilities are marked on her, ayaw niyang may pumalit pa sa kanya.

" About Luis, its been years, sana pakinggan mo siya, wala ako sa posisyon para ipaliwanag pero biktima kayong dalawa, sin-"
Itinaas niya ang kamay waring pinipigilang magsalita si Sheena.

" I've learned, the Kris and Luis story is over, and you should get over too." umupo siya sa sofang kaharap ang mag ina.
Wala noon si Toti.

The sun rays through windows are penetrating her skin. She can feel the three o'clock heat.

Lumingon ulit siya sa kaibigan, malungkot itong nakatunghay sa kanya.

" I want you to feel human, to be like me, carefree, loved and cared" malumanay na saad ng kaibigan.

" Tumigil ka na, walang Love dito sa mundo. Sige nga, if meron yang sinasabi mong Love at care? Bakit may tao sa kulungan? Minsan mali ang Love makes the world go round, it makes the world square no rectangle dahil sa kabaong ang iba nauuwi"

Inayos niya ang kwelyo ng kanyang faded glory white blouse, tinernohan niya iyon ng hapit na Lee pants.

" Carefree!? Okay, see you when I see you, don't worry Toti installed cams, and I'll be blocks away susugod agad ako pag may nangyari sa inyo, besides nandito si Cassie magbabantay sa inyo."

Pagkatapos ng tungkulin ni Cassie nakiusap siyang sa bahay ni Sheena ito matulog sa gabi, and its been a month. Wala pa namang nakikitang di kanais nais sa loob at labas ng bahay, kahit sa buong subdivision.

Tumayo siya at walang lingon na iniwan si Sheena. While her very bestfriend sighed.

.............

Napatigil siya ng makita si Luis sa gate, he's on his summer outfit. Naka teeshirt ito at nakamaong pants.

Tinanggal nito ang shades ng makita siyang papalapit.
Samantalang dire-diretso siyang sumakay sa kanyang white Land Cruiser.
Bumusina siya para buksan nito ang gate, ngunit bago pa man niya mailock ang sasakyan nabuksan na ito ni Luis at agad pilit siyang tinulak umupo ito sa drivers seat at nilock ang sasakyan.

The:Anatomist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon