The Anatomist: My Boyfriend and His First Love 2
Chapter 5
Memories
Kahit isang daang ulit ibahin ang isang tao, babalik at babalik padin siya sa tunay na kulay.
Kinabukasan inabangan ulit niya si Sheena at palihim na sinubaybayan ang pasyenteng kanyang tinulungan.
She was disgusted about the Hospital management, mas malala pa ito ngayon.
Hindi man sa pagkuha ng pera kundi sa pagaasikaso ng mga pobreng pasyente, ang mga doktor ay mga baguhan, mga residente na dapat hindipa nag iisa sa bawat duty, ang mga pasyenteng hindi nakakaalam, kawawa, mamamatay without the proper management.
Nakasandal siya sa kanyang white 2012 Audi.
Tulad ng nakagawian niyang suutin, isang black silk na damit na nasa itaas ng tuhod ang hangganan, wala itong sleeve kaya kitang kita ang makinis at pantay niyang mga braso na kung titignan napakavulnerable.
Pero sa loob ng eleganteng damit na iyon ay mga pinag halong mababangis na animal.
Hindi niya pansin ang mga taong nagsisilingunan sa kinatatayuan niya. Maging ang araw na sumusuot sa kanyang mga balat.
Alas sais palang ng umaga, at alam niyang paalis na si Sheena.
Hinanap niya ang sasakyang ginamit ni Sheena sa parking lot, isang red honda.
Napailing siya, ganun pa din ang kotse nito.
Kinuha niya ang isang hairpin sa kanyang pixie cut hair at maingat na sinusihan ang kotse.
Tik!
Voila!
Nagpapasalamat siya dahil ang unang lesson sa kanya noon ay ang pag open ng mga lock.
Pumasok siya at umupo sa backseat, the scent is familiar, ang kanyang kaibigan.
Dahil tinted ang salamin hindi siya makikita sa loob. Napangiti siya ng palapit na ang kaibigan.
Halatang happy ito.
Nakadama siya ng inggit, dahil kailanman hindi siya naging masaya.
Narinig niya ang pagbukas nito ng pinto, ang pag upo nito sa drivers seat at ang pagpapaandar nito ng kotse. Hinintay niyang umabante at makalayo ang kotse.
" I miss my bestfriend.." bulong niya sa may tenga ni Sheena.
Hindi naman nagulat ang huli.
Nagpreno ito at nakangiting bumaba ng sasakyan.
Mabilis din siyang bumaba, Sheena's arms were extended, hinihintay nitong yakapin niya.
" Shee..." yumakap siya ng mahigpit sa preggy na kaibigan.
Sa tansiya niya nasa third trimester na ito.
Umiiyak na yumakap ang kaibigan sa kanya, dahil katulad niya nawalan din ito ng pamilya.
" Kris..."
Matagal silang nagyakapan, nagkumustahan. Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw.
Napakasaya niya, walang nagbago, ito parin ang bestfriend niya.
" Bakit moko kilala? Hindi ba binura ang ala ala mo?"
Tumawa siya.
" I miss you faggot!!, basta ang alam ko gusto kong kumain ng palabok with you!tara jollibee tayo.."
Hinila niya si Sheena pabalik sa kotse, this time siya na ang nagmaneho.
" How about your car?"
BINABASA MO ANG
The:Anatomist
Mystery / ThrillerNEW STORY* The Anatomist : My Boyfriend and His First Love 2 by: Tink Teaser Ang kasalukuyan ay resulta nang pagkakataon, nang panahon, nang walang hanggang pakikipagbuno kay kapalaran. Tinanggap niya ang tungkulin bilang isang Anatomist, katumbas n...