The Anatomist: My Boyfriend and His First Love 2
By: Tink
Chapter 13
Pilipinas.
Pinapanood ni Kristianè ang cctv footage ni Tim, ninakaw iyon ng huli sa mismong kuwarto ni Ambassador Recuerdo.
Pumapasok noon si Tim habang bitbit ang isang wine na ayon dito order ng Ambassador. The audio is off she can see that they were talking, pinapasok ito ng Ambassador.
Nagsalin si Tim ng wine sa baso nito at kampanteng tumayo sa tabi.
Ayon kay Tim ang parteng iyon ay kinakausap niya ang Ambassador, pinagpipili ito kung susuko at aaminin ang kasalanan o kamatayan, he knows that Psycho will come, pero imbes na sumuko, tumakbo ito sa hagdanan paakyat sa kuwarto.
Ng lumabas ito'y may dala na itong baril ngunit bago pa man maiputok nasangga na ni Tim habang ang kanang kamay ay nilalagutok ang cervical vertebrae nito at nahulog sa hagdanang kahoy.Old man's bones are brittle kaya nama'y pinagkamalan itong aksidente.
The video ended, at napahanga siya ng mabuti kay Tim.
" Im sorry ate Kris, I got shot"
Tumango lamang siya at kinuha ang jacket sa sandalan ng upuan.
Babalikan niya ang kay Twinkle.
..................................................
The house is quiet and dim, tanging ang nag iisang lantern ang nagbibigay ng katamtamang liwanag ng kabahayan, partikular sa sala.
Ang bahay na dati'y kahit mfalalim na ang gabi'y mistulang may araw.
Nakaupo si Kristianè sa unang baitang ng kahoy na hagdan leaned on a cold wall on the right side.
A figure of a man coming from the front door, hindi siya kumilos as this man made his way upstairs.
Yuko ang ulo at laylay ang balikat, ang suot nitong polo shirt ay hinahabol na ng plantsa, ang pantalon naman nitong maong ay animo'y hinukay mula sa ilalim ng lupa. Ang buhok ay parang nest na kung saan hindi niya alam kung may itlog ba iyon ng ibon o wala.Alas onse na ng gabi at tatlong oras na siyang naghihintay on the same spot, tinubuan na yata ng kalyo ang pwet niya.
" At last dumating ka din." tumayo siya sa pagkakaupo at tinungo ang sofa at kampante siyang umupo sabay unat ng mga paa at kamay.
" What the-!"
Napaatras si Luis, sapo ang dibdib habang hindi makapaniwalang ang babaeng matagal na nitong inaabangan ay ang babaeng nasa mismong harapan.He just wanted to be silent, ang babaeng pinapangarap ay nasa loob ng kanyang bahay. How he wish that this woman will live under his roof.
" Take a sit, para ka namang natuklaw ni Galema diyan"
Naawa siya sa hitsura ni Luis, ang mga mata nito'y malalalim, tinubuan na din ito ng balbas, kuno't ang mga noong nakatingin sa kanya.
" Anong ginagawa mo dito?" nanatiling nakatayo ito, hapong hapo na nakatitig sa kanyang mga mata.
She smiled.
" Bawal bang pumasok ang isang ex sa loob ng bahay mo?, kailangan ko pa bang ipaalam kay Twinkle Star?" nangaasar na umiiling siya.
Half of it is true na nagseselos siya kay Twinkle.Humalukipkip namang nakatingin lang si Luis sa kanya.
" Welcome ka nga dito eh, see hindi ka pa naiinvite nakapasok ka na?" may halong sarcasm na pagkakasabi nito, sa tingin niya'y nakainom si Luis.
His voice are deep na animo'y hindi halos marinig, tahimik ito, minasdan niya ito habang dinadama ang mga kamay ang sofang uupuan.
" Anong kailangan ng isang Psycho?, kailangan mo na ba ako at narito ka?, gagamitin mo na naman ako?"
Matiim niya itong minasdan, ang laki ng pinagbago ni Luis. Pumikit ito at sumandal sa sofa.
BINABASA MO ANG
The:Anatomist
Mystery / ThrillerNEW STORY* The Anatomist : My Boyfriend and His First Love 2 by: Tink Teaser Ang kasalukuyan ay resulta nang pagkakataon, nang panahon, nang walang hanggang pakikipagbuno kay kapalaran. Tinanggap niya ang tungkulin bilang isang Anatomist, katumbas n...