Clyde P OV
"Clyde naman ano nanaman to ?" inis akong bumaling sa manager ko at hinablot ang cellphone niya
"Can't you see? It's a phone" Hinarap ko sakanya ang cellphone niya at binigay din sakanya
"Pinagtakpan ka nanaman ni Thea hindi ka naawa sa bata? Siya yung naiipit kasi siya yung kapareha mo ano bayan ang dami namang makukulit na reporters sa labas ng company na to anong gagawin natin?"
Nagpabalikbalik si bading sa harap ko na sa tingin ko ay ikakahilo ko walangya to
"Sinabi ko bang pagtakpan niya ko? Kaya ayoko sa showbiz ei tss mga sinungaling mga tao . Tsaka teka nga tumigil ka sa kakalakad mo hayaan mo yang mga reporters nayan kung ano nakita nilang picture yun na yun tss dami pa nilang gusto malaman "
"Oh siya siya ako nanaman ang sasagot sa mga tanong ng mga to , bukas 8 ng umaga ay ang guesting nyo sa umagang chikahan don't be late ok?"
"Ano ba yan bakit alas otso?" iritang tanong ko bwisit tulog pa ko ng mga oras na yun
"buti nga alas otso napakiusapan ko pa gusto ng director mga 7 nga ei kilala naman kita na ayaw mo ng maaga kaya inadjust ko na "
"make it 10am final" tumayo ako at lumabas na ng room na yun pero naririnig ko pa siyang sumisigaw ng
"tapos na yung programa na yun hanggang 8:30 lang sila may sapak ka talaga Clyde" tss napailing nalang ako sa sinasabi niya bahala siyan dyan
Malayo palang ako sa labasan ng building na to kitang kita ko na ang kislapan ng mga camera at mga reporters sa labas na nagkakagulo alam kong ako ang pakay nila mga chismosa
"Bodyguards for Clyde hurry up ang daming media" narinig ko si bakla at nagsimula na kong palibutan ng mga bodyguards kung pano ako lumakad ng taas noo kanina sa building ay ganun pa rin hanggang sa makalabas ako
"CLYDE ANONG MASASABI NYO SA PICTURE NA KUMAKALAT"
"TOTOO BA ANG MGA SINABI NI MS.THEA SA INTERVIEW NIYA NUNG NAKARAAN?"
"SINO ANG BABAENG KASAMA MO SA PICTURE?" well walang papansinin ni isa tuloy tuloy lang ang paglalakad ko
"MAKAKASIRA BA YAN NG LOVETEAM NYO NI THEA?"
"BAKIT HINDI ATA NAPASAKAN NG PERA NG MANAGER NYO ANG NAGKALAT NG PICTURE NA TO?" napatigil ako sa pagbukas ng kotse ko at bumaling sa reporter na nagtanong nun , sinamaan ko sya ng tingin at pumasok na sa kotse .
Anong karapatan ng reporter na yun na magtanong ng ganun baka gusto niyang pasakan ko ang bibig niya ng permanente na siyang hindi magsalita ayos yung reporter nay un ah.
Beatrix POV
"Hindi ba over yung tinanong mo friendship?" nasa starbucks kami ngayon ni Angel kaibigan ko na kaworkmate ko din andun din siya kanina nung hinihingan naming ng pahayag si Clyde
"bakit nagtanong lang ako ng iba tss pareparehas kasi mga tanong nila kaya iniba ko tska na curious din kasi ako bakit nga ba kumalat yung picture na yun diba napapatahimik nila mga tao dahil sa pera nila?" sabay sipsip ko sa kape ko
"Oo nga pero tingnan mo tuloy parang napikon si Clyde sa tanong mo pero kyaaahh sana ako nalang yun huhuhu ang pogi niya talaga ano? Kahit ilang beses ko na siyang nakikita ang pogi niya" utomatikong umikot ang mga eyeballs ko sa sinasabi niya . Gwapo nga Mayabang naman at babaero pa wala din
"tsaka sana ako mapili ni Madame na pumunta sa conference ng ClyEa bukas, gusto ko mainterview si Clyde bukas huhuhu sana ako talaga"
" Sana hindi ako" tamad na sabi ko sakanya totoo naman kasi sana hindi ako Ayokong making sa mga pagtatakip na gagawin ni Thea kay Clyde habang walang ginagawa si Clyde sa kasalanan niya. Ang sakit sa tenga at sa mata nun
"pano kung Malaki bayad friendship?"
"kahit pa, fan ako ni Thea pero ni Clyde? Haters ako nun " nanlalaki naman ang mata ni Angel sa sinabi ko . Anong mali sa sinabi ko? Tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig kung bakit ganyan siya mag react
"Friendship nanumpa tayo bilang natapaghatid ng totoong balita na dapat wala tayong pinoprotektahan at pinapanigan pawing katotohanan lamang pero haters ka ni Clyde wag ganun dapat lahat ng artista kasundo natin"
Ayan nanaman siya sa mga kwento siyang walang kwenta, sinipsip ko ng sinipsip ang kape ko at hinablot ang bag ko
"Ge alis na ko kita nalang tayo bukas " at dumeretso na ko sa kotse ko at sinimulang magmaneho .
And back to the old one ANG MAG ISA
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomanceIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love