Manager Charlotte POV
Ilang beses ko nang tinatawagan si Clyde ganun din ang ilang beses kong palakad lakad sa silid kung saan inaayusan na si Thea . Ring lang ng ring ang telepono niya ano ba naman yan sinabi ng don't be late
"Bakit wala pa yung alaga mo?" sabay hablot sakin ng manager ni Thea at pinaupo ako
"Hindi ko alam baka tulog pa huhuhu "
Napatingin ako kay Thea na mukang nag aalala na din kung pano masusulosyunan kung wala si Clyde , Hndi pwede yun alam ng lahat na dalawa sila ni Thea ang guest ngayon. Kahit kalian talaga ay sakit sa ulo tong alaga kong to
Nagtama ang mata naming ni Thea sa salamin , binigyan ko siya ng "sorry look" at nginitian lang ako ng babaita , ang swerte talaga ni Clyde kay Thea bukod sa maganda ito na pinapantasya ng karamihan ay mabait pa hindi siya mapagmataas na artista at lahat ng sasabihin niya sa publiko ay iniisip niya muna .
Hindi naman maka-angal ang manager ni Thea at hindi nag susuggest na palitan ang kaloveteam niya na si Clyde dahil mismo si Thea ay Gustong si Clyde lang.
"SUSUNOD NA ANG INAABANGANG LOVETEAM NA MAKAKASAMA NATIN NGAYONG UMAGA ANG CLYEA WAG MAGLILIPAT DITO LANG KAYO SA UMAGANG CHISMISAN"
Mas lalo akong nag panic at nagsimula nanamang umikot ikot sa silid na to dahil na kaba dahil pag tapos ng commercial break ay sasalang na ang magkapareha ,
'Pinapahiya mo nanaman ako Clyde ei'
" 3 mins nalang po start na tayo" sabi ng isang staff , pano yan wala pa si Clyde. Nahalata naman ata ng staff na hindi ako mapakali kaya tinanong ako kung nasan nga ba si Clyde. Hindi ko siya sinagot at patuloy sa pagtawag kay Clyde
"Clyde sagutin mo plsss."
"Clyde sugutin mon a-"
"Umhh ano ba yun?"
"ASAN KANA ANO BA MAGSISIMULA NA" Napatalon ako sa tuwa ng sagutin niya ang tawag , marunong naman pala sumagot ng twag letse to
"hoy bakla ang aga aga sumisigaw ka bakit ba?"
"Ngayon yung guesting nyo ano hala sige matulog ka pa " Naramdaman kong napatingin si Thea saakin nalaman niya na siguro na sinagot na ni Clyde ang tawag
"Cant make it bye "
"HELLO CLYDE, CLYDE HELLO LETSE PINATAY NA " habol ko pa sakanya napaka tamad talaga ng alaga kong yun
"Its ok Ma'Ma ako na bahala" napalingon ako kay Thea na kasalukuyang nilalagyan ng kwintas niya, Tumango nalang ako sakanya ano pa bang magagawa naming? Ayaw ni Clyde pumunta kahit na malapit lang ang condo niya dito sa building
ANO BANG GAGAWIN KO SAYO CLYDE???????
BEATRIX POV
Kasalukuyan kong binabasa ang schedule ko ng magsalita yung kasambahay ko
"Ate pwede bang buksan ang tv? Ngayon kasi ang guesting ClyEa " tinanguan ko lang siya at binasa ulit ang mga schedule ko .
Ano ba naman to wala ba kong day off next week? Pati ata linggo ay kailangan kong pumasok . Kahit nga ngayon ei kahit nasa bahay ako ngayong araw ng linggo ay kung kailangan akong magreport sa gantong lugar ei magrereport talaga ako
"Ay ate wala si Clyde si Thea lang" tumingin ako sa tv at nakita ko ngang nag eentrance si Thea magisa lang, na curious naman ako at binitawan ang papel na binabahasa ko at mas lumapit sa TV
Bakit kaya wala si Clyde? Iniwan sa ere kaloveteam niya? Attitude din nung artistang yun ei noh
"Magandang umaga sayo Thea grabe ang ganda ganda mo talaga"
"Maraming salamat Tita Amy" sagot ni Thea sa host . sobrang ganda talaga niya lalo na sa personal parang living doll well kaya nga artista ei , girl crush ko yan si Thea pero mga dlawang beses ko palang siya naiinterview kaya hindi niya pa siguro ako makilala.
Nagchikahan pa sila ng nagchikahan sobrang tutok na tutok ako sa mga sagot niya ang talino kasi pinagiisipan niya sinasabi niya kung ako may ganyan kagandang mukha at talino ay sasali ako ng beauty pageant Haha pero maganda din naman ako hindi lang maipagkakaila na mas maganda si Thea syempre hello artista yun required talaga sakanila na dapat maganda sila ei kam i? Basta magaling ka maghatid ng balita pasok ka na.
.
.
.
"Maraming maraming salamat Thea may gusto ka bang iplug? Ano baa ng dpat nilang abangan sayo at sa inyo ni Clyde?"
Sa loob ng kalahating minute , sa tagal ng interview nila kay Thea ngayon lang nila nabanggit si Clyde? Bakit? Kasi guilty sila dahil wala si Clyde sa programa nila at ayaw nila mapahiya si Thea tsk Bayad nanaman ang programa niyan , imbes na ang artista ang babayaran ang programa ang babayran para wala nanamang lumabas na kung ano ano sa bibig ng host tsss.
"My Magazine cover is now on bookstore nationwide also were working for another movie me and Clyde syempre ayun so thank you sa pagimbita sakin dito Its my pleasure to all-"
"kyyyyaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh Clydeeeee" nagsimula ng maghiyawan ang mga audience n biglang dumating si Clyde na may dalang bulaklak at nakashade pa
"CLYEA CLYEA CLYEA KYAAAHHH CLYEA"
"CLYDE CLYDE CLYDE"
"ATE KYAAAHH SI CLYDE DUMATING KYAAAAHHH TINGNAN MO OH KINIKILIG SI THEA" sinamaan ko ng tingin ang kasambahay ko sasabihin pa sakin ei nanunuod naman ako alam ko ,
Binigay ni Clyde ng bulaklak si Thea at dun na nagtapos ang programa .
"Ganun lang yun?" inis na sabi ko
"Ate fan ka din ng ClyEA?"
"Hindi" tumayo na ko at maghahanda ng maligo baka mamaya may biglang tawag at papasukin ako magmamadali ako mas maganda ng maaga
"asus indenial si ate"
"Nako May ako tigilan mo at maghain kana pagkaligo ko kumain na tayo"
Fan lang ako ni Thea pero ni Clyde ay hindi tsk hambog yun
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomanceIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love