Beatrix POV
"Ms.Carullo Baranggay Jose project 9 sa Makati hurry up "
"yes ma-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay binabaan na ko ng linya ni Madame ang mga nagbibigay ng mga report na kailangan naming ireport syempre Haha natawa ako sa isipan kong yun.
Napabuntong hininga ako dahil kakadating ko lang galling Quezon City dahil may insidenteng nangyari doon ay nabigyan nanaman ako ng bago hayst
Dali dali kong sinuot ang blazer ko at nagmadaling lumabas ng office at sumakay na sa service namin
"Grabe na ang aksidente sa Pilipinas ngayon" sambit ng isa sa mga camera naming
"ang aksidente ay aksidente kaya tara na manong tony at ng makauwi na tayo agad "
Napahilot nalang ako sa sintido ko at hinihimas ito pagod na ko sa isang araw na ito ay nakakailan na kong mga insidente na inuulat , mataas ang ratings ng programang pinagtatrabahuhan ko kaya halos kayod talaga kami.
.
Malayo palang ay kitang kita na ang sandamakmak na tao sa lugar kaya dali dali na kaming lumabas ng mga team ko at sinimulan ng mag ayos ng mga camera at kung ano pa napalibot ang paningin ko at as usual ay pinagkagulahan kami dahil hindi maipagkakaila na isa ako sa mga kilalang news anchor dahil nga sa taas ng ratings na nakukuha ng company naming lalo na sa pagbabalita . Ginawa na naming ang kailangan naming sa lugar na yun
"Ate ito tubig oh" kinuha ko ang tubig na inalok ng kasambahay ko at ininom yun sobrang pagoda ng nangyari sakin ngayon alas nuebe na din ng nag out ako sa office dahil naghahantay pa kami ng mga balita lalo nat gabi na maraming insidenteng kailangang kuhanan pero dahil sa dami na din ng nabroadcast kong pangyayari ay pinayagan na ko ni Madame na umuwi Ngunit kung kailangan man akong tawagn anumang oras ay kailangan kong pumunta
"Ate kumain na o ba kayo?" umiling ako bilang sagot dahil hindi pa talaga ako kumakain
"ipaghahanda ko po kayo" tumango nalang ako at binuksan ang tv bilang news anchor kailangan ay tutok din ako sa mga nangyayari sa mga artista dahil ang mga newscaster ay tinatawag nilang "chismosa" well pwede na din para sakin dahil totoo naman yun kailangan naming pakialaman ang buhay ng mga artista
"Clyde Ramirez Nahuling may kasamang babae sa isang sikat na bar ano kayang reaksyon ng kanyang loveteam ukol sa isyung ito tunghayan" biglang finlash ng screen si Marie ang isang kasamahan kong reporter , kasama nito si Thea ang kaloveteam nitong Clyde na to
Well ano pa bang bago kay Clyde hindi niya iniiangatan ang career niya dahil wala siyang pake kung babagsak ito pero hindi yun mangyayari anak siya ng mayari ng agency na humahawak sa napakalaking bilang ng artista sa industriya ng showbiz. Tss Nagagawa nga naman ng pera
"anong masasabi nyo sa kumakalat na picture ng inyong kaloveteam na si Clyde kasama ang hindi kilalang babae?" interview sakanya ni Marie
"What's wrong with that picture? Kilala ko yung girl and she's our friend kasama sana ako sa party nayun kaso nagkaroon ng biglaang photoshoot kaya hindi ako nakapunta ayun lang pls guys don't make fake news that can ruined Clyde's image pls and thank you for the supporters of our loveteam lets spread love" sagot ni Thea
Tsss how poor girl ang ganda pa naman ng artistang to tapos ito lang ginagawa niya? Ang pagtakpan ang lalaking yun? Fan ako ni Thea pero ni Clyde ay hindi I know how chickboy he is sobra at marami pang dapat ibalita sakanya pero pilit pinapasakan ng pera ang bunganga ng mga company na pwedeng maglabas ito.
"Ate kain kana po" sabi ng kasambahay ko
Pinatay ko na ang Tv ay dumeretso sa hapag
Ano Beatrix? Ikaw nanaman magisa? Kakain ka nanamang mag isa? Hindi ka pa ba nagsasawa?
"May kumain kana? Sabayan mo ko" alok ko sa katulong ko alam kong hindi pa siya kumakain kaya naupo na din siya at sumalo sa pagkain ko
"Ate mag dalawang taon na kong naninilbihan sayo pero kung hindi nyo po mapapasama asan po ang mga magulang nyo?" Nagulat ako sa tnong niyang yun dahil sa tagal na nga niyang andito ay hindi naman naming napaguusapan ang ganung bagay marahil ay hindi din kami nag kakausap ng maayos dahil late na kong umuuwi at hindi naman ako laging nasa bahay .
"Patay na" tamad na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain
"sorry maam pero sasagarin ko na tong paguusap natin bakit ho ba sila namatay? Nagkasakit? Naaksi-"
"Pinatay sila" humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor dahil sa mga pumatay sa mga magulang ko
"Sana nga nagkasakit nalang sila sana naaksidente nalang sila para hindi ako nababagabag wala akong taong sisisihin pero hindi ei Pinatay nila ang mga magulang ko pati ang batang dinadala ni Mama sa sinapupunan niya na kapatid ko ay pinatay din nila , Naging ulila ako dahil sa mga taong gumawa nun sakanila at hindi makakatakas sakin ang mga taong yun " naramdaman ko ang mga luhang nagsisimula ng pumatak sa mga mata ko
Ma ,Pa dalawang taon na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kong sino ang pumatay sainyo Dalawang taon na din akong nangungulila sainyo .
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomansaIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love