Chapter 18

2 0 0
                                    

Halos isang linggo na din ang lumipas matapos ng insidenteng yun.

sa loob ng mga araw na yun ay nakapag trabaho ako ng maayos, Biglang nawala ang mga reporter


pero ang mga basher ay hindi naman talaga mawawala, Hindi ko nalang pinapatulan pa o hindi ko nalang binabasa


I wonder bakit? Bat biglang humupa? Hindi dahil sa hindi ko gusto , gustong gusto ko nga yun ei nagtataka lang ako.





Pagtapos din ng naging eksena namin ni Clyde ay di ko na din siya nakita , Hindi ko alam kung dahil sobrang busy ako at ang daming incident report na binibigay sakin ni madame o talagang tinigilan na niya ko?.




Gustong matuwa ng puso ko sa mga nangyayari sakin ngayon pero hindi ko lubusang mawari na bakit parang hindi ako kuntento?

.
.

Agad kong nilock ang kotse ko pag ka parking lot mg building ng network namin.




Mas pinaaga na din ni madame lagi ang pagpasok ko at agad niya kong binibigyan ng mga aaksyonan na mga pangyayari.



Pero ngayong araw ay mas pinaaga niya pa,



I guess mag iinterview nanaman ako sa isang talk show  na pang umaga? Wala din naman sinasabi si madame basta maaga niya kong pinapapasonk ngayon





Pumasok ako sa loob ng building at ng makitang papasara na ang elavator ay agad akong tumakbo at hinarang ang kamay ko sa pinto nito, Agad din anman itong nagbukas ulit

I guess wrong move na pinigil ko pa ito sa pag akyat, nasa loob ng elavator si Clyde at Thea kasama ang  mga kanya kanya manager nila .

Hindi ko alam kung bat traydor ang mata ko at si Clyde ang una nitong nakita.





Inalis ko din agad ang tingin ko ng nagkasalubong ang tingin namin , napatingin ako kay Thea at tumaas lang ang kilay nito na pahiwatig na ano pang hinaharang ko sa elavator na to



Dali dali akong pumasok sa elavator at nagsara din naman ito kaagad

"Nice to see you again Beatrix "



Napalingon ako sa likod ko ng nagsalita si Chalotte ang manager ni Clyde dahil magkatabi sila ay nahagip din ng tingin ko si Clyde na mataman lang nakatingin sakin


"Nice to see you too" Ngumiti lang ako , Tumunog din naman ang elavator hudyat na nasa 7th floor na ko kung saan ang office ni Madame





Walang lingon lingon na dumeretso ako sa lakad palabas nun .






Napahawak ako sa dibdib ko sobrang lakas ng kabog nito, sumakay lang naman ako ng elavator hindi naman ako nag triatlon bat parang kabog ng kabog?






Tinanggal ko agad ang kamay ko sa dibdib ko ng nakitang lumabas si madame sa office niya



"Your schedule is on my office my secretary will discuss and explain to you your schedule for today I'll go ahead now"





Tumango lang ako dito at tinungo ang office niya




"Beatrix Carullo" Banggit ko sa pangalan ko na alam naman ng secretary ni madame kung anong gagawin






Sandali niyang hinalungkat ang mga papel na nasa lamesa at inabot sakin ang isang papel




agad kong binasa ang pang 7:30 na Schedule ko for today




"Good Morning Balita ako ngayon?" Tanong ko sa secretary ni Madame kahit obvious maman na ito ang nakasulat doon



"Yes po maam , Interview po for upcoming movie ni Mr. Clyde at Ms. Thea"


.

"WHAT?"

Halos hablutin ko ang papel na binabasa niya

"Interview po sa up-"


"Yeah I know narinig ko" Pag sisingit ko saknaya ng uulitin nya ulit ang sinabi nya






INTERVIEW? AKO? KAY CLYDE AT THEA?





AKO PA TALAGA PINILI NI MADAME? SA LAHAT NG TAO DITO AKO PA?

The Reporter's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon