Chapter 11

4 1 0
                                    

Beatrix POV

Nang gagalaiti ako sa inis dahil sa pinag gagagawa ng Clyde na to ano bang gusto niya? pagkaguluhan talaga ako sa social media ganun?

Medyo tumahik na nga ng kunti yung issue dahil ilang araw na din kaming tahimik hindi naman na nagpakita skin yung ulupong na yun pagtapos niya kong dalhin sa office ni Madame

kala ko ay mananahimik na siya at hahayaan nalang namin ang issue hanggang sa humupa nalang ito.

Pero ito nanamam at gumagawa nanaman siya ng eksena sa social media

Binalik ko ang cellphone ni May at pumunta ng kwarto ko , Tangina hindi na matahimik buhay ko

Binuksan ko ang account ko sa twitter na hindi ko naman madalas gamitin ng dahil dun ay napagamit tuloy ako

Trending ang #ClyEaWalangTitibag na hashtag sa twitter pinindot ko to at as expected kadikit na ng loveteam nila ang pangalan ko

Some tweets are like this

"Nananahimik yung mag loveteam tas biglang gagawa ng ganung issue #ClyEaWalangTitibag"

"Nabasa ko na yung miss reporter pala na yun ay matagal ng may gusto kay clyde at talagang tinakbo niya si clyde nung araw na yun para habulin hndi ko lang alam bat sila naghahalikan pero ClyEa pa rin sobrang solid #ClyEaWalangTitibag"

Pinatay ko na ang cellphone ko at binato sa kama at nagsimula ng mag ayos kailangan ko na ulit mag trabaho .

Nasa kotse palang ako ng tumawag na si Madam sakin na ibroadcast ko ang isang kaganapan . Umoo nalang ako saknya at nagsimula ng iliko ang kotse ko papunta sa lugar na yun

Hindi na ulit kami nakapag usap ni Madam nung araw na yun masama pa din loob ko sakanya

"Andito tayo sa baranggay ligaya pasig city Live na live ngayon ang pagka aresto sa isa sa mga wanted dito sa lugar ng Pasig . Tinatayang nasa halagang  isang daang libo ang nakuha na droga sa suspek nagkaroon ng unting kaguluhan mula sa kapolisan at sa supek pero sa huli ay nagparaya na rin ito "

Naghihintay lang ako ng 3,2,1 para malaman kung tapos na ang pag rerecord ng cam Nang biglang napayuko ako ng may kung anong bagay na tumama sa ulo ko

Hinawakan ko ito at nakita isang itlog naglinga linga ako sa paligid at nakita ang isang grupo ng kababaihan na nakangiti habang nakasuot ng damit na may tatak ng loveteam ng ClyEa

Ayan nanamn tayo ei , Tumingin lang ako skanila at nagsimula ng bumalik sa kotse ko pero naglalakad palang ako ng may isa nanamang itlog ang tumama sa kotse ko.

Parang maiiyak na ko sa mga nangyayari sakin kaya bago pa mangyari yun at sumakay na ko sa kotse at humarurot paalis .





Sa mga gantong oras na sobrang hindi ko na kinakaya ay isa lang ang tatakbuhan kong lugar .

" Ma , Pa Tingnan nyo naman tong Prinsesa nyo ampanget ko na nanganagamoy itlog na rin ako dahil sa ginawa nila sakin . Ma , Pa ang dami nila isa lang ako sinong magtatangol sakin "

Pag kausap ko sa puntod ng mga magulang ko,Kailangan kong ibuhos lahat ng sama ng loob ko

Tinatanggap ko mga salitang binibitawan ng mga baby bra warriors ng ClyEa . Lahat ng pang aapi at kung ano anong salita wala sakin pero yung pahiyain ako sa maraming tao partida live pa ay sumosobra na.

Naramdaman ko na medyo unaambon na kaya wala akong nagawa kundi umuwi na .

Naligo lang at nag ayos ako ay bumalik na ko ulit sa Opisina para makuha ang schedule ko.

Kailangan ko na din maghanda para sa gaganapin na Awards night dahil isa ako sa mga mag iinterview sa mga maglalakad sa red Carpet.

Kailangan ko din icheck yung gown na susuotin ko para dun.





Manager Charlotte POV

"Tapossss naaaaaaa maraming maraming salamat sainyo for making my dream come true , Salamat sa pag bigay ng justice sa ilalabas kong pelikula Clyde and Thea the best talaga kayo "

Ani ng Direktor , Tapos na kasi ngayong araw yung shooting ng movie ng dalawa at sigurado akong blockbuster nanaman to dahil ganun naman lagi basta ClyEa ang gumaganap.

Kita ko ang pagod sa dalawang artista dahil straight na straight ang shooting nila dahil minamadali ito .

Sumenyas naman si Clyde na umuwi na kami at yun nga ang nangyari magkakaroon pa sana ng unting salo salo kaso gusto na talagang gumora ng alaga ko.

Nagpasensya nalang ako saknila at nangakong sa premier night nalang kami makakasama sa celebration. Nang hingi din ako ng sorry kay Thea at ngumiti lang ito.

"Hindi ka ba nagugutom pogi at nagmamadali ka agad umuwi ayaw mo muna kumain ?"

Kausap ko sa alaga ko na nakapikit pero alam kong di to tulog .

Wala naman akong natanggap na sagot sakanya kaya minabuti nalang na buksan ang cellphone ko

kara scroll ko sa feed ko ay isa lang ang nakikita ko

" OMG Ano toooo??? Binato ng fan nyo ni Thea si Bea Live na live kanina" Gulat na sabi ko .

Napanuod ko ang video na bigla nalang binato si Bea na naaktuhan sa camera habang nagbabalita siya nagpalingon siya at nahagip ng camera ang isang grupo ng taga hanga ng ClyEa

Sa isang iglap ay bigla nalang naglaho ang cellphone ko at pagtingin ko ay nakay Clyde na ito . Inulit niya mula umpisa ang Video ng matapos ay tahimik niya lang binigay sakin at hinanap ang cellphone sa gamit niya

"Tangina" .

Yun lang ang lumabas sa bibig niya at nagsimula na magdududutdot sa cellphone niya.

The Reporter's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon