Pinili ko nalang muna manahimik sa bagong issue nanaman na kinakasangkutan ko.
Hindi ko alam kung sinong sisisihin ko si Clyde ba dahil napaka careless niya at hindi niya alam na artista sya at may mga paparazzi kung saan saan? Lalo nat mainit ang mata samin ngayon ng media
O baka sinsadya niya? Wala ng iba pang sisisihin kundi siya! Siya ang dahilan ng lahat ng ito!
Agad kong hinablot ang bag ko sa upuan at nagsimulang lumakad palabas ng bulding na to . May pupuntahan akong interview about sa artistang gaganap sa isang napakalaking teleserye ng network na ito, Kahit ako hindi ko alam kung sino dahil hindi din ako binrief kung sino .
Para daw maging natural ang interview ko sa artistang yun .
Hindi na ko nagtaka at nagulat ng makita na maraming media nanaman ang nasa exit ng building kung saan ang parking lot at andun ang service na sasakyan ko
.Ano to trabaho nila? na manghimasok at kumuha ng impormasyon tungkol sakin? Na kapwa nila mamamahayag? Utos ba ito?
Agad din akong umiling sa iniisip ko dahil ako bilang isang mamamahayag gaya nila alam kong trabaho lang nila ito.
Agad akong ineskortan ng mga body guard , Napayuko tuloy ako sa hiya dahil di naman dapat nila ito trabaho hindi naman ako artista para eskortan ng maraming guard.
"Ms. Beatrix ano ba meron sainyo ni Clyde?"
"Ms. Carullo pano at namataan kayo ng gabi at namataan siya ng umaga sa tapat ng bahay nyo?"
"Kelan pa may namagitan sainyo ng aktor?"
"Handa ka ba sa mga bashers mo?"
"Are you living together?"
Napanganga ako sa tanong kung nag lilive in na ba kami? Hell no!!!
Nagulantang man ako bagya ay patuloy pa rin ako sa paglalakad ng sa wakas ay nagtagumpay na makawala sa mga media at agad agad na sumakay sa service van.
Medyo matagal ang byahe papunta sa isang shooting place ng nasabing aktor.
Lahat ng tao ay pinag uusapan ito dahil ito ang teleserye na isa sa mga aabangan dahil sa leading lady nitong babae na sikat din na si Tazzana Lopez isa sa mga bituin ng showbiz, at kahit sinong ipareha sa aktres ay laging may chemistry na nabibigay .Pano niya nagagawa yun? Isa din siya sa mga highest paid actress along with her is Thea .
Ni retouch ako ng make up artist ko dahil maya maya lang ay mag sisimula na.
Agad din naman akong naupo ng all set na ang lahat ng kailangan ayusin Hantay nalang sa dadating."Ok lets start , the actor is ready In 3,2,1"
Agad akong tumayo ng bumukas ang pintuan .
Sobrang nagulat ako sa nakita ko, Ilang minuto ako napatulala at hindi namalayan na nasa harap ko na ang aktor
"Hi" Para akong nabalik sa katawan ko , kumurap kurap pa ko para maayos ang sarili ko
Omayghadd!! May camera beatrix ghadd fix yourself
"Ahm, Lets start?"
Naki koopera naman ang katawang lupa ko at pinilit na gawang normal lang ang lahat.
"Wow , It really doesnt disappoint the audience na naghihintay ng big reveal na to Congrats for the new project Carl Payne"
Buong ngiti ang binigay ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomansaIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love