Chapter 5

8 2 0
                                    

Beatrix POV

Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga gamit namin dahil tapos na kami sa pagrereport ng isang nasunog na pabrika

"Ilang oras din nating sinubaybayan yung sunog grabe sobrang laki" sabi ng isang staff naming, Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako ay tahimik lang na nakikinig . Hindi din naman kasi ako ganun ka daldal na tao tahimik lang ako kung kailangan ko lang magsalita ay dun lang ako nagsasalita ginagamit ko ang kadaldalan ko pag nagrereport ako dahil sa dami ng tanong .

"Hello Madame" Bungad ko ng tumawag ako kay madame

"Yes Carullo have you heard the news??" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Madame , anong news?"

"Kakatapos ko lang po mag broadcast kaya wala pa kong napapanuod, Tatanong ko lang po sana kung pwede na ko dumeretso umuwi?"

Gusto ko na kasi talagang umuwi pagod ako ngayong araw na to lalo na at sunog ang binalita naming madaming usok ang nalanghap ng team ko.

"Yeah yeah you may manuod ka ng balita dahil hindi ako natutuwa sa nababasa at napapanuod ko"

"yes madame"

.

.

.

"Ate artista kana" Bungad sakin ni May pagpasok ko , Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghubad ng sandals ko. Gutom na din ako

"Ate ok ka lang?" tanong sakin ni May ng sunod sunod na pag ubo ko sabi na nga ba ei Magkakasakit ako sa mga usok na yun, Hindi lang naman yun ang unang sunog na nireport ko pero ang isang yun ay kakaiba dahil sa lakas nun halos abutin ng maghapon bago ito maapula ng mga bumbero

"Kuha mo nalang ako ng gamot sobrang sama ng pakiramdam ko"

Dumeretso na ko sa hapag dahil gutom na talaga ako.

Nagawa ko na ang dapat kong gawin ng maalala ko ang balita na pinapanuod sakin ni madame.

"May *ahum ahum* buksan mo yung *ahum ahum ahum* tv may papanuo *ahum* rin lang ako" nahiga ako sa sofa at hinihintay na sundin niya ang utos ko, ilang minute lang ako nakapikit ngunit hindi ko pa rin naririnig ang Tv

"May ano ba *ahum ahum ahum*" Nakikisabay pa siya ei ang sakit na nga ng ulo ko hindi pa ko sinusunod sesantihin ko kaya to?

"ahhmm maam ano"

"ano?" inis na sagot ko

"Umhh Nawawala tama tama nawawala yung remote kanina ko pa hinahanap, matulog na kayo agad maam hindi maganda ang pakiramdam nyo ei"

Tinulungan niya kong bumangon hanggang sa Makarating ako sa kwarto . pabagsak kong hiniga ang sarili ko at naramdaman na kinumutan ako ni Maymay

"matulog na kayo maam kailangan nyong gumaling agad" Tumango lang ako at nginitian siya.

Mag isa ka nanaman Beatrix, sa tuwing mag isa nanaman ako bumabalik ang masasayang ala ala ko

FLASHBACK

"Ano ba yan anak bakit ka kasi nag paulan tska bakit ginabi ka na sabi mo bago dumilim ka lang , alam ko naman na mahirap ang Thesis pero sana wag mong hayaan na magkasakit ka " Pangaral sakin ni mama habang pinupunasan ako ng maligamgam na tubig

"sabi ko naman kasi sayo ditto na kayo gumawa diba? "

"Pa naman ang layo ng bahay natin sa bahay nila kesa sila pa mahirapan ako nalang"

"Nag iisa ka naming prinsesa tapos gusto mo lang nahihirapan ka?"

"Sorry na Ma Pa Hindi ko na hahayaan na magkasakit ako aalagaan ko na sarili ko "

END OF FLASHBACK

Mula sa mahinang pag iyak hanggang sa humagulgol na ko. Miss na miss ko na sila

Mama , Papa may sakit ako ngayon , Mama inuubo ako , Papa ang sakit ng ulo ko. Bakit nyo kasi ako iniwan Nag iisa nyo na nga lang akong prinsesa pinapahirapan nyo pa ko, Iniwan nyo pa ko.

.

.

Nagising ako ng marinig ko ang paulit ulit na pagtunog ng cellphone ko, Tamad koi tong kinuha mula sa lamesa katabi ng kama ko. Nakatulog na ko kagabi sa sobrang pagiyak ko

Nanlaki ang mata ko at biglang nawala ang antok ko ng Makita kung sino ang tumawag

"Madame G-good m-morning" Bigla akong tumayo kaya napangiwi ako sa sakit ng ulo ko dahil sa biglaang pagtayo ko

"Ms.Carullo ayos ka lang ba? "

"Pasensya na maam kung hindi ako nakapasok Sobrang init ko po "

"Omyghad kung kailan kailangan kita pero magpahinga ka dyan magpagaling ka agad kailangan kita, Nalaman mo na ba ang balita?"

Ano ba yang balita na paulit ulit na tinatanong sakin ?

Kahit hirap akong tumayo at pinilit ko pa ding makapag ayos ng makababa na ko . Unang pinuntahan ko ay ang mailbox ko Kailangan ko ng dyaryo ngayon, hindi naman ako nabigo ng may makitang dyaryo agad koi tong kinuha at pumasok na sa loob,

"Maymay yung gatas ko pakidala na dito" dumekwatro ako ng upo sa sofa at hinintay ang pagdating ng gatas ko,

Sinimulan ko ng basahin ang laman nito ngunit sa first page palang ay bungad na sakin ano to? Bakit andito to? Nabuga ko ang gatas na iniinom ko ng mabasa ang naka pamagat dito

"Bagong naispatan na babae ng aktor na si Clyde Domingo sa loob ng elevator sino nga ba siya?"patuloy ako sa pagubo

"Maam ok ka lang " hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa nito sinabi na nasa page 4 ang nilalaman un kaya dali dali ko iyong nilipat

Aktor na si Clyde Domingo at isang kilalang Reporter naispatan na Naghahaliakn sa loob ng elevator

"ANONG NAGHAHALIKAN HINDI KAMI NAGHAHALIAKAN DITO " Napasigaw nalang ako sa frustration FAKE NEWS FAKE NEWS LETSE

"Maam ang dami ng tumatawag sa telepono kanina pa mga media "

Nasapo ko ang noo ko , Nagsabay sabay pa letse pahingeng Pahinga pls.

@I�M�T%�k.�I9� 

The Reporter's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon