Beatrix POV
Natauhan lang ako sa posisyon naming ng pumasok kami sa loob
Tinulak ko siya at patakbong pumasok sa Office ni Madame , Habang tumatakbo ako ay hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina, Unang una ay mas lalaki pa ang issue naming Pangalawa Hindi ko maintindihan yung naramdaman ko ng marinig ko ang tibok ng puso niya, parang may iba , pangatlo ang sasabihin sakin ni Madame kaya mula sa paunti unti kong takbo dahil naka heels ako ay mas kumaripas pa ko
"Kyaaaahh"
Ngunit sa kamalasan nga naman ay Tiles ang sahig kaya agad napatagilid ang Stiletto ko na humantong sa pagkatapilok ko
Napahilamos ako sa mukha ko ng Maramdaman ang sakit mula sa paa ko, Ilang Segundo ko ding hinimas ang paa ko at nagsimula ng tumayo pero humahagtong lang ito sa pagupo ulit dahil hindi kaya ng paa ko
Patuloy kong hinihimas ang paa ko ng maramdaman ko na bigla akong lumutang sa sahig , este may bumuhat sakin katulad ng pagbuhat ng mga groom sa kanilang bride at masasabi kong hindi ako komportable .
Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan dahil ang taong nagbubuhat sakin ngayon ay ang aktor na si Clyde Domingo
"Clyde wag mo na kong pahirapan " Tukoy ko dahil panay pa rin ang pagkuha ng litrato ng mga kasamahan kong reporter din
Opisina to ng mga katulad kong mamamahayag kaya hindi na ko magtataka kung bakit may media pa rin hanggang dito
"What are you talking about? " sabi niya ng deretso pa rin ang tingin sa daan
"Clyde sa nangyaring issue sa elevator at sa ginawa mo kanina ay sinira mo na ang buhay ko, at ito nanaman?" Tinikom ko an gang mga labi ko ng parang iiyak ako.
Pero bakit ako iiyak? Bakit ako natatakot?
"Just let me carry you to Madame Office"seryosong sambit niya ng hindi pa rin nakatingin sakin . Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya,
Marami pa ding media ang patuloy sa pagpipicture at sure din akong may nagvivideo ng kaganapan na to pero pinagtataka ko kung bakit hindi sila naglalakas ng loob na lumapit at magtanong ng magtanong samin.
.
.
.
Nang makarating kami sa pinto ng office ni Madame ay ine-expect ko na ibababa na niya ko dun ngunit nagulat ako ng biglang niyang sinipa ng buong lakas ang pinto
Kung ako nagulat ay doble ang naging gulat ni Madame na may pinipirmahang papel
Dahil sa malalim kong pag iisip ay naramdaman ko na lang na nilapag na ko ni Cylde sa malambot na sofa , akala ko ay aalis na ito ngunit unti unti nitong nilapit ang muka niya at automatiko akong napapikit
"pasensya sa pag gulo ng buhay mo , I won't bother you anymore" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"So care to explain Ms.Carullo" Nabalik lang ako sa pagiisip ko ng Tumapat sakin si Madame na nakapameywang at nakataas ang kilay ,Hindi ko man lang naalayan na umalis na pala si Clyde , Umayos ako ng upo Tangna nakakahiya yung ginawa ni Clyde na pagdala sakin dito
"ahhhh Hmmmm" wala akong maisip na sasabihin , dahil wala naman akong dapat sabihin . Hindi ko nga alam ang mga nangyari nagulat nalang ako yakap na ko ni Clyde at Karga na niya ko Hindi ko alam ang gulo
"AHhhh Hmmm what an answer " Lalo akong natakot ng mas tumalim pa ang titig nito sakin
"Madame wala akong alam sa lahat" nanginginig na sambit ko
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala akong nakuhang sagot mula sakanya
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Muntik na kong malaglag sa kinauupuan ko ng malakas na tumawa siya
Anong nakakatawa? Baliw na ba siya? Pinagmasdan ko lang siya sa kakatawa niya , mga ilang minuto din siyang tawa ng tawa ng medyo humina hina na , agad itong tumingin sakin na kinagulat ko
"HAHAHAHA Thank you Beatrix"
Naguluhan kung bakit siya nagpasalamat at isa pa tinawag niya ko sa first name ko, that was first after ilang years kong pagtatrabaho dito ay Ms. Carullo ang tawag nito sakin.
Masyadong malihim itong si Madame laging malalim ang iniisip at parang laging galit . Makakausap mo siya kung may mali kang nagawa pero kung maganda ang pagpapahayag mo ay wala lang
Ganyan naman ang Tao Mali mo lang ang binibigyang pansin, sa sobrang atensyon na binibigay nila sa kamalian mo hindi nila alam na Kahit minsan ay mag nagawa kang tama.
"B-bakit po" Tumayo na ko at baka mamaya ay baliw na nga si madame ay saktan ako atleast makakalabas ako agad
"Think of it Beatrix isa kang mamamahayag ng kumpanyang to"
Tumango lang ako para ipahayag na alam ko naman yun kaya nga ko nasa harap niya
"At ang lakas ng hatak natin ng viewers dahil tayo lang ang nararapat na magbalita ng tungkol sainyo ni Clyde , ang balitang sobrang inaabangan ng tao dahil sa libo libong tagahanga ng artistang iyon. Salamat sa paglalandi mo kay Clyde"
Nag-iba ang timpla ng mood ko sa huling sinabi niya , Ako? Nilandi si clyde? Sumosobra naman ata siya
"Madame mawalang galang na ho , hindi ko nagustuhan ang huling sinabi nyo wala po kayong karapatan na sabihin yun dahil wala kayong alam. Excuse me" Kasabay nun ay iniwan ko na siya sa Office niya
Tsss. Palibhasa ay tumandang dalaga kaya ganyan makaasta
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomanceIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love