Chapter 10

7 1 0
                                    

Beatrix POV

"Ayon sa mga saksi ay nawalan ng preno ang driver ng jeep na sinasakyan ng labin limang pasahero kaya walang nagawa ang driver kundi ibangga ito sa posteng ito"

Lumakad ako at lumapit sa posteng tinutukoy ko

"Makikita natin na sobrang lakas ng pagsalpok kaya marami ring pasahero ang nasugatan at wala namang tinayang patay"

Sumenyas na ang isang staff ko ng 1,2,3 sa daliri niya hudyat na pwede na ko mag paalam

"Beatrix Carullo bente kwatro oras nagpapatrol"

Nang nagsibabaan na ang mga camera ay tska ko na inabot ang tubig na hawak pa ng isang staff, dumiretso na din ako sa loob ng service naming dahil padami na ng padami ang mga taong nakikiusisa saamin mabuti sana kung tungkol ito sa aksidenteng nangyari kaso ay hindi

"hindi ba siya yung babaeng reporter na nalilink ngayon kay Clyde?"

"Jusko ang gwapo gwapo ng clyde na iyon crush na crush yun ng anak ko"

"yan ba yun? Wala naman sa kalingkingan ni Thea"

"nako lagot yan sa fans ng ClyEa

napairap nalang ako ng hindi sinasadya ng maalala ko yung mga bulong bulungan kanina kaya medyo badtrip ako kanina at hindi ko magawa ng maayos ang pagpapahayag ko , narinig ko pa silang sinabi na mataray raw ako

Ano bang akala ng mga tao samin? Artista? Para mag panggap na anghel sa kanilang lahat? Hindi ako nagtapos ng ganto kung pag aarte lang pala ang gagawin ko, ang magpanggap na mabait kahit punong puno kana? Nakakabwisit yun promise.

.

.

"Friend may picture at video ka nanamang kumakalat grabeng scandal to friend" Muntik ko ng ibuga ang kape na iniinom ko ng marinig ang sinabi ni Angel. Binaba ko ang kapeng hawak ko at tumingin ng deretso sakanya

"Scandal ?, as far as I know virgin pa ko never been kiss and touch"

Proud na sambit ko , ei bakit totoo naman noh? At hindi pa ko naiinlove. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung nakilala ko na kaya yunh taong mamahalin at papakasalan ko?

"ang taray never been kiss and touch wag ka ngang ano ei yung kumalat nga na picture nyo sa elevator nagkikiss kayo ni Clyde dun ei"

"Hindi kami naghahalikan nung tukmol na artistang yun"

Binalik ko nalang ang tingin ko sa laptop ko at nag browse ng nagbrowse sa Instagram para updated naman ako sa mga artista dahil ako ang mag iinterview sa red carpet ng mga kilalang artista at magugulat kayo kung sino yun

"Ay sus , pero by the way ano ba yan?" inuring nya ang upuan niya at nakiusisa sa laptop ko

"Kaaayyyaaahhh si Ma-"
Dali dali kong tinakpan ang maingay na bibig ni Angel , Siraulo titili ba naman dito. Nakita kong umiling iling na siya hudyat na hindi na siya mag iingay

"Ang swerte mo friendship, ikaw ang isa sa mga sasalubong sa kanila? OMG sana lahat HUHU"

Napangiti ko ang maisip ang mangyayari sa red carpet , totoong napakaswerte ko dahil lahat ng nasa red carpet ay sobrang iniidolo kahit ako ay sobrang excited na.

First time na gaganapin dito sa Manila ang awarding na magaganap , at isa ako sa mga maswertenng napili para ibroadcast .

Inagpatuloy ko ang pagbrowse sa instagram at hindi pinansin ang pag iinarte ng kaibigan ko. Hindi lumagpas sa paningin ko ang isang trending post na edited photo namin ni clyde .

Itong picture na to yung karga niya ko pero ang masaklap pa dun , Pinalitan ng cactus ang muka ko

Seriosly? Anong ginawa kong mali?

"Luh friend grabe naman yan" napatingin ako kay Angel na katabi ko na pala ulit na nakikiusisa

"A pathetic fans" Tumayo na ko at niligpit ang laptop ko

"Alis na ko ingat ka pag uwi" Hindi ko na hinintay pa siyang sumagot at umalis na ko agad .

.

.

.

Ilang araw na ang lumipas at ilang araw na din akong hindi tinitigilan ng mga fans ni Clyde, kahit saang social media site ay nakikita ko ang pangalan ko at karamihan ay pambabash

"Hala ate bagay daw kayo ni Clyde oh" tinapat niya sakin ang cellphone niya at pinakita ang comment ng isang nag ngangalang "fabulouscams" , sinamaan ko ng tingin si maymay at pinagpatuloy ang pagkain, Bagay kami? Kalokohan.

Sino lang ba ko? Just a plain Reporter siya? Sikat na artista , Asa pa yung nag comment na yun pag untugin ko sila ei

"pero bagay talaga kami?"

"Hala syempre naman ati" nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya , anong syempre naman?

"anong pinagsasabi mo? Kailangan na ba kita pagamot?"

"tinanong mo ko te kung bagay ba talga kayo ni Clyde"

ANO? Nasabi ko yun? Dpat sa isip ko lang yun ,

"aahhmm ano-" napakamot ako sa ulo ko nagiisip ng palusot sa katulong kong to, mamaya sabhin niya may gusto ako sa artistang yun wala no

"ahhh ano iba ang sinasabi ko ano ka ba I mean bagay ba kami ni Carl?"

Parang biglang nawala lahat ng stress na naramdaman ko ng naalala ko si Carl , siya ang tinitingala ko sa larangan ng pag aartista bukod sa gwapo na marami pang talento hindi din siya snobber katulad ng mga artistang nakakaangat lang kala mo kung sino sila

"HAAAALAAAA ateeeeee"

Pinanuod ko lang siyang tili ng tili at hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang mairita sakanya , pamamahay ko to sigaw siya ng sigaw? Ilang minuto siyang tili ng tili habang nakatingin sa cellphone niya kaya hindi niya napapansin ang pagtaas ng isang kilay ko.

Sumandal pa ko sa likod ng upuan at patuloy na pinapanuod ang pagtili niya na kilig na kilig pinagkrus ko ang mga braso ko at mas lalo kong tinaas ang isang kilay ko.

Natigil siya at napayuko ng magtama ang mga mata namin, oh ano ka ngayon? Tumili ka pa puputulin ko yang dila mo

"Sorry po" Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya

"ano yun ate may kailangan ka?" Tumingin ako sa kamay ko at sa cellphone niya hudyat na ibigay niya yun sakin tsss slow

@fabulouscams"Perfect match Ms. Beatrix and Mr. Clyde is so perfect match "

@itsmeclyde replied to @fabulouscams "Thanks"

"WHAT THE-"

"ANONG PINAGSASABI NITO?" 

The Reporter's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon