Beatrix POV
Yumuko ako sa manibela ko ng Makita ang dami ng tao sa labas ng building ng Company na pinagtatrabahuhan ko,
What to do?
Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko kay Charlotte na kaya ko sarili ko pero ngayong nakita ko kung gano karami ang tao parang bigla akong tumiklop, bigla ko nalang gustong bumalik sa bahay at wag nalang pumasok at mag resign na manahimik nalang pero sa pagiisip kong yun ay muli kong inalala kung bakit nga ba ito ang trabaho ko.
Bukod sa kailangan kong kumita ng pera para mabigyan ng hustisya ang mga magulang ko ay ito din ang pangarap nila sakin , Si daddy ay isa ding kilalang taga pag ulat sa buong Pilipinas.
Nawala ako sa pag iisip ko ng tumunog ang cellphone ko, agad ko tong kinuha sa dash board ng kotse ko
Nagsalubong ang kilay ko ng Makitang isang number lang ito, Hindi ko yun sinagot at binalik ulit ang atensyon ko sa mga media ,
"Hello sino ba to?" sagot ko ng muli itong tumawag
"Its me"
Napataas ang kanang kilay ko ng malaman kung sino ang tumawag , none other than Mr. Clyde Domingo
"Anong kailangan mo"
"Lumabas ka dyan"
"Inuutusan mo ko?" Inis na sabi ko dito, anong karapatan niyang utusan ako?, tska sira ba siya edi pinagkaguluhan ako
Nilibot ko ang tingin ko ng marealize ang sinabi niya , Ibig sabihin nakikita niya ko?
"just get out or else"
"Anong or else? Gago ka ba talaga? Ipapain mo ko dyan sa mga reporter na yan?" patuloy lang ako sa pagtingin tingin pero hindi ko siya Makita
"Now you know the feeling? Tsaka wag kang pa repor-reporter na yan ei isa ka ding reporter ei "
"Feeling close ka ei noh?"
"Hahaha Just get out in One, Tw-"
"Anong karapatan mong bilangan ako?"
"Two , Three-"
"Aba "
*toot toot*
Ilang Segundo kong tiningnan ang cellphone ko , aba binabaan ako? San siya kumuha ng lakas ng loob para gawin yun?
ano hindi siya makapasok sa building ng management niya kasi maraming media at ipapain niya ko para ako ang pagkaguluhan at siya ay makapasok na? ano siya?
Ilang minuto pa kong nagstay sa loob ng kotse at hindi ko alam kung kailan ako lalabas , Wala akong isasagot sa mga tanong nila gaya nga ng sabi ko , sanay lang ako magtanong hindi sumagot ng tanong, Ilang beses ko ding nakikita si madame na palabas labas ng building at pilit na kinakausap ang mga tao pero hindi siya nagtatagumpay , may hawak hawak din siyang cellphone at dial ng dial kung sino man .
"Arrrggghhhhh Walangya" Sigaw ko habang nakadukduk sa manibela ko
Napaangat ako ng tingin ng may kumatok sa windshield ko
Halos lumuwa ang mata ko ng Makita na si Clyde yun, agad akong tumingin sa mga reporter na andun pa rin , hindi siguro nila napansin si Clyde. Umirap muna ako sa hangin bago ko binaba ang salamin ng kotse ko
"Nag iisip ka ba? Bakit ka andito? Mas lalo tayong paguusapan niyan" Bungad ko sakanya , Pinasadahan ko siya ng tingin , suot niya lang ang simpleng putting tshirt at pantalon naka shades din siya kaya siguro ay hindi siya napansin ng mga media.
"Stop drooling over me that's rude, Bumaba kana diyan" pinag cross niya pa ang mga braso niya sa dibdib niya, kaya mas lalong naexpose ang mga muscle niya
Napalunok ako sa nakita ko , well not bad huh
"Ang yabang mo , tsaka bakit ako bababa ? hindi mo ba nagegets na pag bumaba ako dito ay para ko ng pinain ang sarili ko isip nga teka nga bakit ka ba andito at bakit pilit mo kong pinapababa?" pinagkrus ko din ang mga braso ko at sumandal sa upuan ko
"Pwede ko naming papuntahin dito ang reporter kung ayaw mo bumaba , Hindi mo pa ba nagegets ? Im saving you hindi ko alam na slow ka pala Ms. Reporter"
Napaisip ako sa sinabi niya , pano niya ko ililigtas sa sandamakmak na media na yan? Ei siya nga pag pinagkakaguluhan ay kailangan niya pa ng body guards Ngunit sinalungat din nito ang isip ko pwede kaming pumuslit dahil nakatalikod naman ang mga tao.
Nakita kong ngumisi siya ng magsimula na kong bumaba sa sasakyan ko , inirapan ko lang siya at nilock na ang kotse ko, papakuha ko nalang mamaya sa mga trabahador
"Pwede bang lumayo ka?" Bulong ko sakanya dahil sobrang lapit niya sakin ay baka mapansin kami, lakad takbo ang ginagawa namin
"Sino kaya yung lapit ng lapit?" Sabay tingin nito sa braso niya na hawak ko, Natauhan naman ako sa ginawa ko at napabitaw agad sakanya, Nakakahiya
.
"Oh oh" malapit na kami sa exit ng building ng napansin kong tumigil siya , sinundan ko ang mata niya at halos gusto ko na ulit tumakbo pabalik sa kotse ko ng Makita ang mas marami pang media doble pa ata nito ang nasa entrance
"Walanghiya ka dapat pinabayaan mo nalang ako sa loob kanina" Bulong ko ulit sakanya
"But I thought- Tss "
"Puro ka I thought "
"SI CLYDE AT BEATRIX AYUN OH" Nagkatinginan kami ni Clyde sa narinig namin, napahawak ako sa ulo ko at parang naestatwa sa kinatatayuan ko , Yari na huli na
Nagsitakbuhan na ang lahat ng media samin at nagsimula na kong magpanic , ayoko ng ganto
"TOTOO BANG IKAW ANG BAGONG BABAE NI CLYDE?"
"BAKIT KAYO MAGKASAMA NGAYON?"
"IBIG SABIHIN BA NITO AY INLOVE KA NA SA UNANG PAGKAKATAON?"
Nagulat ako sa narinig kong tanong nito ibig sabihin ay sinusubaybayan nila ang lovelife ko?
Mas lalo akong nagulat ng biglang akbayan ako ni Clyde at hinawakan ang ulo ko at nilagay sa dibdib niya , Bigla akong kumalma bigla , bigla akong walang nakita , wala kong naririnig kundi ang tibok ng puso ng aktor na nagpoprotekta sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
The Reporter's First Love
RomanceIm Reporter Beatrix Carullo and Clyde Domingo is my First Love