Patience is a virtue

11K 234 2
                                    

SI JOSEPH Benjamin Sanvictores ay kilala bilang easygoing na tao. Mahaba ang pasensiya niya at hindi mainitin ang ulo. May ilang mga bagay lang siyang hindi kayang i-tolerate. Isa sa mga 'yon ang mga taong sumisingit sa pila. Sa kaso ngayon, 'yung taong sumingit sa parking space na obvious namang inaabangan niya.

Bumusina siya para kunin ang atensiyon ng driver. Ibinaba naman nito ang bintana pero kumaway lang ito sa kanya kaya lalo pa siyang nainis. Bumaba siya sa kotse at lumapit sa kabilang kotse.

"I was waiting for this space," malumanay pero may diin ang pagsasalita niya.

"Sorry, hindi kita nakita agad," sagot ng babaeng driver. But she didn't sound sorry at all.

"My car is an SUV. Sa laki ng kotse ko imposibleng hindi mo nakita."

Nakangiwing bumaba ang babae sa kotse. "I'm really sorry. Nagmamadali kasi ako."

Benj scoffed. "Miss—" Bigla siyang nilagpasan ng babae. Gusto sana niyang sumunod dito para turuan ito ng leksiyon. Pero hindi pa rin siya nakakapagpark.

"Damn it!" Inis na bumalik na lang siya sa sariling kotse. Mabuti na lang at nakakita agad siya ng bagong parking space kaya medyo nabawasan ang inis niya. He did not want to lose his composure just because of this small incident. After all, mayroon siyang reputasyong kailangan niyang panindigan.

Benj was known as the cool and carefree executive director of Blush. Ang Blush ay isang shopping website ng mga beauty products. Don't ask him how that happened. Isa iyong napakahaba, napakaboring, at napakakontrobersiyal na kwento.

"I'm sorry, Miss. Hindi talaga kita pwedeng papuntahin doon. And if you don't step out of the building right now, our security will be forced to escort you out." Narinig agad ni Benj ang boses ng receptionist pagpasok niya sa building. Actually, imposibleng hindi niya 'yon marinig dahil may kalakasan ang boses ng babae.

"Bago mo ako palabasin, tawagan mo muna si Henry at sabihing nandito ako. Heto ang ID ko. I'm sure papayagan niya akong pumunta sa opisina niya kapag nalaman niya. I'm his girlfriend," anunsyo ng babaeng kausap ng receptionist.

Nakilala agad ito ni Benj. Iyon ang babaeng driver na umagaw sa parking space niya kanina.

"Miss, hindi mo lang alam kung ilang babae ang pumupunta dito araw-araw at sinasabing girlfriend sila ni Mr. Sanvictores," mataray na sagot ng receptionist.

"But I'm really his girlfriend," giit parin ng babae. "Heto, ipapakita ko pa sa'yo ang katibayan." Kinuha ng babae ang cell phone mula sa bulsa at nagpipindot doon.

Hindi nakapagpigil si Benj. He craned his neck to get a good look at the woman's cell phone. Nag-i-scroll ang babae sa gallery nito. Hanggang sa tumigil ito sa isang litrato. Bago pa niya iyon mabistahan ay naiharap na ng babae ang cell phone sa receptionist.

"Miss, sa panahon ngayon napakadali nang mag-edit ng picture," mataray paring wika ng receptionist. Pagkatapos ay lumipat sa kanya ang tingin nito. "Good morning, Sir."

"Good morning," nakangiting bati niya. "What seems to be the problem here?" Pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang babaeng kausap ng receptionist.

"It's nothing, Sir. Kaya ko na pong i-handle ito," sagot ng receptionist.

"I'm sure you can. Pero gusto ko pa ring malaman kung ano ang nangyayari. I think I heard Henry's name a few seconds ago," Benj said in his most casual tone. Pero ang totoo ay nararamdaman na niyang malapit nang tuluyang masira ang umaga niya.

"Gusto daw makausap ni Miss Castillo si Sir Henry pero wala siyang appointment. I told her it's not possible," sagot ng receptionist saka itinuro ang babae.

Itinutok ni Benj ang paningin sa babaeng tinawag ng receptionist na Miss Castillo. Ngayong napagmasdan na niya itong mabuti ay saka lang niya napansin na mas bata ito kaysa sa inaakala niya. As a matter of fact, she looked like a college student complete with the whole college vibe. Nakasuot pa nga ito ng university shirt. Parang gusto niyang siya na mismo ang humanap kay Henry at sabihing, "Really? Pumapatol ka na ngayon sa mga college students?"

"I really need to talk to Henry," wika ng babae na nakaharap na sa kanya.

Masyadong pamilyar ang paraan ng pagbanggit nito sa pangalan ni Henry. It's either she was telling the truth or she was just a good actress. Either way, sigurado na siyang sira na ang araw niya ngayong pa lang.

"Teka, ikaw 'yung driver na inagawan ko ng parking space kanina." Nalukot ang mukha ng babae. "I'm really sorry about that. Baka naman pwede mo nang kalimutan 'yon at tulungan akong kumbinsihin ang receptionist na hindi ako masamang tao? I just need five minutes of Henry's time."

"What makes you think I can help you with that?" kunot-noong tanong ni Benj.

Sumeryoso ang anyo ng babae. And then she openly stared at him in a very thorough yet nonsexual way. Medyo na-offend siya. Pakiramdam kasi niya ay isa siyang nonliving at nonsexual entity habang pinagmamasdan siya nito. Hindi siya sanay sa ganoon. He was used to receiving admiring looks from women. But obviously not from this woman.

"You look like someone with the authority to make things happen," sa wakas ay wika nito.

Napangiti na doon si Benj. "Alright," pagkatapos ay sa receptionist naman siya tumingin. "Ako na ang bahala kay Miss..."

"Castillo."

"Right. Ako na ang bahala sa kanya."

Tumango ang receptionist. "Okay, Sir."

Nakatalikod na siya nang biglang may maalala. Nilingon niya ang receptionist at binigyan ito ng matamis na ngiti. "By the way, you did a good job, Mary." And then he winked at her.

-------

Don't forget to vote! :) 

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon