Awkward...

3.9K 171 0
                                    

HINDI na muling nagkaroon ng pagkakataon sina Lucille at Benj na makapag-usap ng solo. Hindi lang sila basta magkalayo ng upuan. Nasa magkabilang dulo pa sila ipinuwesto ng papa niya.

"So, Benj, what exactly do you do?" tanong ni Papa Roger nang patapos na silang kumain. Bumilib nga dito si Lucille dahil nagawa nitong maghintay hanggang sa patapos na silang kumain bago ito nagtanong.

"I'm the executive director and overall manager of Blush," confident na sagot ni Benj. Maybe it was the confidence in his voice that made her look at him.

"Blush?" tanong naman ni Mama Lourdes.

"Blush ang pangalan ng shopping website na minamanage ko."

"Blush... it sounds familiar," komento ng Ate Lacey niya. Ito ang asawa ng panganay na kapatid niyang si Justin.

"Of course it is, Lace. Isa 'yan sa mga kakompetensiya namin sa bagong online store ng ACE," komento ni Kuya Justin.

"Ah, oo nga, nakita ko na ang website niyo," muling wika ni Ate Lacey.

"Bakit mo tinitignan ang website nila? Doon ka dapat sa website namin tumitingin at namimili."

"Teka, nakita ko na din ang website nila. Nai-share kasi ng isa kong officemate ang link," singit naman ni Ate Bree.

"Your site must be popular then," komento ng papa niya.

Biglang napatingin dito si Lucille. Masyado kasing seryoso ang tono ng papa niya. Hindi 'yon normal.

"Oo nga," singit naman ng mama niya. "Mukhang maganda ang takbo ng negosyo niyo."

Pati ang tono ng mama niya ay parang iba. Lucille was sure that there's something wrong with the whole situation.

"Ilang taon ka na ba, Benj?" tanong ng papa niya.

"I'm 27, sir."

"Ah, bata ka pa para mag-asawa."

"Ma!" malakas na saway dito ni Lucille. Pinanlakihan pa niya ng mga mata ang mama niya.

Ngumiti lang ang mama niya saka itinuro ang Kuya Chase niya. "Magkalapit lang pala sila ng edad ni Chase. Pwede na siyang mag-asawa. Pero masama daw 'yung magkasukob ng taon—"

"Ma, tama na, please?" Mas lalo pang tumaas ang boses ni Lucille. Dama niyang nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat ng kasama niya doon. Lalo lang tuloy siyang nagpanic. "Hindi ka dapat nagsasalita ng mga ganyang bagay."

"Bakit hindi? Malapit ka nang grumaduate sa masteral mo, di ba? Pwede ka nang mag-asawa."

"Ma!" sa pagkakataong iyon ay ang Kuya Justin naman niya ang sumuway sa mama nila.

"Alam mo, Justin, napakasaya namin ng mama mo nang ikasal kayo ni Lacey. At lalo pa kaming sumaya nang maging lolo at lola na kami. We are now fully embracing our new status as grandparents."

"Tama ang papa niyo. Mas lalo pa kaming sumaya ngayon dahil malapit nang ikasal sina Chase at Bree."

"Which leaves us with..." pagkatapos ay sabay pang tumingin kay Lucille ang mga magulang niya.

"That's nonsense," kontra ng Kuya Chase niya.

Sunod-sunod na tumango si Lucille. "I agree. Hindi dapat natin pinag-uusapan ang ganitong mga bagay. I'm still young. At isa pa, si Benj," itinuro niya si Benj na mukhang relax na relax lang sa kinauupuan nito. "Well, si Benj... ahm, ano. Hindi talaga kami."

"Paanong hindi kayo? You mean hindi official?" tanong ni Ate Bree.

"Hindi sa hindi official," natigilan pa si Lucille dahil kahit siya ay naguluhan sa sinabi niya. "I mean, hindi talaga kami magboyfriend." Muli niyang itinuro si Benj. Nakahalukipkip na ito at nakatingin lang sa kanya. Maya-maya pa ay dahan-dahan itong umiling.

Pakiramdam niya ay may gusto itong iparating sa kanya. Pero hindi naman niya naiintindihan ang ibig sabihin ng mga senyales na binibigay nito. Bigla tuloy niyang naitanong, "Ano? Bakit ka umiiling diyan?"

Nagpakawala lang ng hininga si Benj bago kinuha ang baso at uminom doon. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay nag-iba na ang ekspresyon sa mga mukha ng kanyang pamilya.

Ang Ate Lacey niya ang unang nagsalita. "Nagbreak ba kayo?"

"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kagabi, Lucille," sabi naman ni Ate Bree. "Ganyan naman talaga ang isang relasyon. Not everyday is full of rainbows and butterflies."

Suddenly, Lucille felt like she was developing a headache.

"Alam mo, anak, kapag may professional career na ang isang tao, kailangan talagang pangalagaan niya ang kanyang imahe."

Tumingin siya sa mama niya. "Professional career?"

"Nag-aaral ka pa rin hanggang ngayon. Hindi mo pa nasusubukang magtrabaho kaya siguro hindi mo pa naiintindihan ang bagay na 'yan," sagot ng papa niya.

"Ano ang hindi ko naiintindihan?"

"'Yung mga demands sa'yo ni Benj."

"Sabagay, ako din naman ay ayaw kong kinukulit ako kapag nagta-trabaho ako," biglang sang-ayon ng Kuya Justin niya.

"Kuya!" sabay pa sila ng Kuya Chase niya. Sabay din silang umiling at napabuntong-hininga.

"Why don't we focus on one wedding at a time?" kalmadong suhestiyon ni Lucille. Pagkatapos ay iginiya na niya ang usapan patungo sa nalalapit na kasal ng Kuya Chase at Ate Bree niya. Mabuti na lang at nagpadala naman ang mga magulang niya. Bigla kasing naging full-blown headache na yung nararamdaman niya kanina.

~~~

Thanks for reading. Don't forget to vote!

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon